^

PSN Opinyon

Hot pandesal style ng Pinoy

SAPOL - Jarius Bondoc -
Usong-uso ngayon ang local TV gameshows. Magmula nang solohin ng Who Wants to Be a Millionaire? ang prime-time ratings, nagsigaya na lahat ng ibang networks. Nag-franchise din ng sikat na gameshows sa US at Uropa, o kaya’y nag-imbento ng sarili. Milyun-milyong piso ang ipinamimigay na premyo.

‘Yan ang estilo ng Pinoy sa negosyo o sa propesyon. Kapag may isang nagtagumpay, ginagaya agad ng iba. At di basta gaya, tinatabihan pa at hayagang kinokompitensiya. ‘Yan ang nangyari nu’ng dekada-70 nang mag-click ang unang panaderya ng hot pandesal. Di naglaon, halos bawat kanto may pugon na rin ng hot pandesal.

Ganyan din ang nangyari sa Banaue Street, Quezon City. Putok sa dami ng de-kotseng dumadayo mula kung saan-saan sa isang murang tindahan ng piyesa. Di nagtagal, walong bloke na ng kalsada ang puno ng tindahan at gawaan ng kotse.

Ganyan din nauso ang shawarma at lechon-manok. Ganyan din nauso ang paglahok ng mga artista’t entertainer sa pulitika.

Walang masama sa hot-pandesal style ng Pinoy sa negosyo at propesyon. Natural lang na tularan ng iba ang tagumpay ng isa. Di lang ito paghanga kundi paghalaw din ng leksiyon sa karanasan.

Sabi ng sociologists, napulot daw natin ang estilong ito sa mga sinaunang Tsino. Gan’un daw magnegosyo sa ancient China. Tabi-tabi ang magkakaribal na tindahan o trabaho – para nga naman isang lugar na lang ang pupuntahan ng mga parukyano. Dinala raw ng Chinese traders ang ugali sa Pilipinas nu’ng Panahon ng Kastila. Kaya sa Ongpin, puro kainan; sa Divisoria, puro tindahan; sa Binondo, puro bodega.

Ang ayoko lang sa hot-pandesal style, hindi nauuso sa pakikipag-kapwa-tao. Sa pinagkikitaan lang umuubra. Pero sa paggagastusan o paghihirapan, hindi. Halimbawa, hindi mauso sa atin ang pag-abuloy sa charity. Gastos e. Hindi tinutularan sa atin ang pagiging matulungin sa iba. Hirap e. Kung walang makakabig, iba na lang.
* * *
Abangan simula Sabado, 8-10 a.m., sa DWIZ (882-AM) ang Sapol ni Jarius Bondoc, bagong radio show na tatampok ng interviews tungkol sa maiinit na isyu, tips sa modernong buhay, at siyempre scoops.

ABANGAN

BANAUE STREET

BINONDO

DINALA

DIVISORIA

GANYAN

JARIUS BONDOC

PINOY

QUEZON CITY

WHO WANTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with