^

PSN Opinyon

Maraming tetestigo vs Lacson

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
Habang patuloy ang pagdinig ng Senado sa mga akusasyon laban kay Sen. Ping Lacson, dumarami naman ang mga naglalabasang mga testigo laban sa kanya.

Ang namalas ng taumbayan sa Senado ay nagmula sa mga pahayag ni Ador Mawanay, matapos nitong ibunyag ang mga nagaganap sa PAOCTF na noo’y pinamumunuan ni Lacson.

Inilabas naman ng ISAFP si Danny Devnani na nagbigay ng kanyang pahayag sa mga nalalaman niya sa kidnapping at drug-trafficking na kinasasangkutan din ni Lacson.

Sa paglutang naman ni Rosebud, muli pang lumabas ang umano’y ugnayan ng ilang tiwaling pulis at mga drug syndicates na nauwi pa sa pagkakapatay ng ilang mga Chinese nationals. Tila lumalabas na ang paglutang ni Rosebud upang ibunyag ang kanyang nalalaman ay nang madiskubre nitong ibebenta rin pala umano ng mga tiwaling opisyales ng PNP ang mga nasabat na shabu mula sa mga napatay na drug suspects.

Lumabas naman kamakailan ang isa pang pulis na si SPO2 Rosale Mabini, na tinukoy ni Rosebud bilang Police No. 1 sa nasabing drug flow sa Camp Crame noong 1998. Ang pahayag ni Mabini tungkol sa kaugnayan niya sa mga ilegal na transaksyon ng PNP ay lalo pang nagpatibay sa mga ibinunyag ni Rosebud.

Bagamat nakahanda si Lacson at kanyang mga tauhan na pasinungalingan ang mga akusasyon at linisin ang kanilang mga pangalan, tila mahihirapan nang kumbinsihin ang taumbayan, lalo na’t dumarami pa ang mga lumalabas na testigo laban sa kanya.

vuukle comment

ADOR MAWANAY

BAGAMAT

CAMP CRAME

DANNY DEVNANI

LACSON

PING LACSON

POLICE NO

ROSALE MABINI

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with