Ayon sa aking bubuwit, 52 days na lang at Pasko na.
Happy birthday muna kay Ms. Hermie de Leon, Vice-President for Media ng BBDO/Guerrero Ortega; Alex Soria Jr., Bros. Art Cacal, Delfin del Rosario Jr., Sonny Liston, Edwin Regino, Tess Devett, Miguel Cruz, VW Felix Mendoza, Jimi Gonzales at Charmagne Espiritu ng Puerto Princesa City.
Ayon sa aking bubuwit, noong October 24, 2001, dakong alas-4:00 ng hapon ay pinirmahan na ni GMA ang walking papers ng opisyal.
Ang dahilan, loss of confidence, sanhi ng pagkakasangkot ni Sir sa ibat iabng uri ng anomalya.
Ayon pa sa aking bubuwit, matapos pirmahan ni GMA ang termination papers laban sa nasabing opisyal ay ipinadala naman ito kay Executive Sec. Alberto Romulo.
Kinabukasan, October 25, dakong alas-10 ng umaga ay ipinatawag naman ni Secretary Romulo ang naturang opisyal at ibinigay ang hatol ni GMA. Luhaang umalis ng Malacañang ang naturang opisyal at mula sa Palasyo ay hindi na bumalik sa kanyang opisina sa Roxas Blvd., Pasay City.
Ang opisyal ng ahensya ng pamahalaan na binigyan na ng walking papers ni GMA ay walang iba kundi si...
Siya ay yung taga-hawak ng pondo ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan. Naging kontrobersyal ang nasabing opisyal dahil sa ilang anomalya sa kanyang tanggapan. Napabalitang malakas itong magsugal ng poker, high roller ika nga. Panay ang cash advance ng aabot sa ilang milyones subalit hindi naman naili-liquidate.
Bukod diyan ay naging isyu rin ang kanyang misis na nakikialam sa mga kontrata ng opisina ni Bossing. Si misis ang may gawa sa plano ng housing project ng mga empleyado ng pamahalaan.
Ang opisyal na binigyan na ng walking papers ni GMA ay walang iba kundi si ... Mr. W as in Wala nang Trabaho.