^

PSN Opinyon

What's new about germ warfare?

- Al G. Pedroche -
Sobra na talaga ang talino ng tao. Pati mikrobyo ay nagagawa nang sandata. Weapon of mass destruction.

Pero kahit noon pa raw sinaunang panahon, ang mga mandirigma ay gumagamit na ng germ warfare sa kanilang mga kalaban.

The early Romans, it is said, would catapult rotting dead animals to their foes para magkasakit ang kanilang mga kalaban.

Yaon daw mga Indian tribes of long ago would gift their enemies with fine blankets, kunwari’y peace offering. Yun pala’y ginamit ang naturang kumot ng mga taong namatay sa smallpox.

Kaya hindi na bago ang tinatawag natin ngayong biological warfare.

Pero iba ang bio-warfare noon at ngayon.

Sa modernong panahon, naipo-proseso sa laboratoryo ang mga mikrobyo ng nakamamatay na sakit upang gawing epektibong sandatang makapaghahasik ng salot.

Minamaliit natin ang anthrax.
Sabi ng ibang nakatatanda nating kababayan, noon pa ma’y nagkaroon na sa Pilipinas ng epidemya sa naturang sakit.

Ngunit ito raw ay nakamamatay lamang sa mga hayop at kung kapitan man ang tao’y madali itong gamutin sa pamamagitan lamang ng wastong dosis ng antibiotic. Totoo iyan.

Pero nabalitaan na natin ang ilang taong namatay na sa America dahil sa anthrax.

Ang dahilan, naka-develop ang mga siyentista ng uri ng anthrax bacteria na napakapino at puwedeng malanghap ng tao. And the inhaled form of anthrax, if not treated early enough can be fatal.

Likewise, this germs which used to be harmless and hard to pass on to others has been developed into a deadly disease that is airborne upang madaling maikalat sa teritoryo ng kalaban.

Pero putong-puto pa rin ang anthrax kumpara sa pinangangambahan ngayong smallpox na posible ring gamitin ng mga terorista.

Ang smallpox o bulutong ay kaiba sa ordinaryong bulutong-tubig na madaling gumaling. Smallpox is a killer.

Bagaman at sinasabing eradicated na ito noon pang kalagitnaan ng dekada ’70, mayroon pa raw itinatagong virus nito sa ibang mga bansa. Ito’y sa layuning makagawa ng bakuna laban sa naturang sakit kung sakaling muling kumalat ito.

Ngunit may mga nangangamba na baka mapasakamay ng mga terorista ang mga virus na ito at gawing sandata.

Sa mga taong ipinanganak bago sumapit ang dekada ’70 posibleng hindi na tayo tatablan ng sakit dahil noong araw ay sapilitan ang anti-smallpox vaccination. Ngunit sa mga isinilang nang i-phase out na ang smallpox vaccine, sila ang mga posibleng kapitan ng sakit kung gagamitin ito ng mga terorista.

Pero naka-alerto na ang World Health Organization. Kung kakailanganin, isang pandaigdig na mass vaccination ang isasagawa upang maiwasan ang pinsala ng posibleng germ warfare na ihahasik ng mga terorista.

Meanwhile, let’s live a normal life but ready for any eventuality.

BAGAMAN

KAYA

MINAMALIIT

NGUNIT

PATI

PERO

PILIPINAS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with