Naakusahan si Romy ng panggagahasa kay Nilda, 9-anyos na anak ni Dencio. Nangyari ang rape noong magdidilim na habang pauwi si Nilda matapos bumili ng isda sa tindahan.
Sa paglilitis, tiyak na tinuro ni Nilda si Romy na gumahasa sa kanya. Isinalaysay din niya nang matuwid at walang pag-aalinlangan ang ginawa sa kanya ni Romy. Sa pamamagitan ng kanyang testimonya at ang testimonya ni Dencio, napatunayan na 9-anyos pa lang si Nilda noong siyay ni-rape.
Sa kabila nito, sinentensiyahan lang si Romy ng reclusion perpetua at hindi kamatayan. Ayon sa Korte, wala raw sapat na katibayan tungkol sa edad ng biktima. Hindi raw sapat ang testimonya ni Nilda at Dencio tungkol dito. Kaya hindi maaaring igawad ang parusang kamatayan na siyang dapat na parusa kung 9-anyos lang ang biktima. Tama ba ang mababang hukuman?
Tama ang mababang hukuman sa pagpasyang walang sapat na ebidensiya tungkol sa edad ni Nilda. Dapat iprinisinta ang birth o baptismal certificate niya upang patunayan ang edad. Walang sapat na dahilang naipakita ang taga-usig kung bakit hindi naiprisinta ang birth o baptismal certificate ni Nilda. Tama ang mababang hukuman sa hindi pagtanggap sa testimonya lamang ng mag-ama sapagkat itoy sabi-sabi lang. Kahit pa nga sa hitsura lang ni Nilday makikitang wala pa siyang 12-anyos. (People of the Philippines vs. Veloso G.R. No. 130333 April 12, 2000).