^

PSN Opinyon

Kataka-taka ngunit totoo

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Alam n’yo ba na sa Thailand ay may isang babaing sikat na sikat dahil nagagawa niyang mapalusog ang mga suso (breasts) sa pamamagitan ng pagmamasahe. Hindi siya gumagamit ng kemikal o silicone gaya ng karaniwang ginagawa ngayon. Ayon sa ulat ng Reuters kamakailan, libu-libong babae na ang sumailalim sa pamamaraan ng masahista na nagngangalang Khemika. Siya ay 14 na taon na sa gawaing ito. Ang pagpapalaki ng suso ay isinasagawa sa loob ng anim na araw. Nadadagdagan ang laki ng suso mula isa hanggang apat na pulgada. Sumisingil si Khemika ng $380 sa bawat kliyente.
* * *
Alam n’yo bang katulad ng kalalakihan, ang mga babae man ay dumaranas ng wet dreams? Ito ay tinatawag na nocturnal orgasm.

Ayon sa sexuality researcher na si Alfred Kinsey, 40 percent sa 5,628 na kababaihan na kanyang ininterbyu ay nakaranas ng nocturnal orgasm sa pagtulog, pagsapit o bago dumating ang kanilang ika-45 kaarawan.

Ayon pa kay Kinsey, ang nocturnal orgasm ay isang natatanging karanasan kung saan namumulat sa kaisipan ng babae ang sexual arousal. Ipinaliwanag pa ni Kinsey, "It may be easier for men to identify their wet dreams because of the ejaculatory evidence. Vaginal secretions could be a sign of sexual arousal without orgasm."
* * *
Ibig kong purihin ang matagumpay na pagdaraos ng "The Century in Fashion" na ginanap kamakailan sa Atrium Lounge ng Century Park Hotel. Ang "The Century in Fashion" ay itinaguyod ng Fashion Designers Association of the Philippines. Tampok ang creations ng mga fashion designers na sina Marisoc Nueno ng Maria Manila; Glenn Lopez, Ivan dela Cruz, Bong Garcia at Ronaldo Arnaldo.

Umani ng malakas na palakpakan nang rumampa ang mga modelo habang suot ang likha ni Marisoc Nueno. Simple subalit elegante ang dating. Sinabi ni Marisoc na matagal niyang pinag-isipan ang mga disenyo, tela, kulay at mga pahiyas na angkop sa bawat kasuotan. Matapos ang fashion show, tumanggap ng pinakamaraming bulaklak si Marisoc handog ng mga kasamahang designers, mga kaibigan, tagatangkilik at tagahanga. Si Marisoc ay tinanghal na "rookie of the year" ng Manila-Gagalangin Lions Club sa nakaraang ninth anniversary ng samahan na ginanap naman sa Holiday Inn Manila.

vuukle comment

ALAM

ALFRED KINSEY

ATRIUM LOUNGE

AYON

BONG GARCIA

CENTURY PARK HOTEL

FASHION DESIGNERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

MARISOC NUENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with