EDITORYAL - Anthrax scare pabor sa drug syndicate
October 26, 2001 | 12:00am
Kinatatakutan na ang mga sulat at merong ayaw nang magbukas ng mga ito. Maski ang mga empleado sa post office ay nangangamba na baka ang hinahawakan nilang mga sulat ay may anthrax bacteria. Sa United States na unang may naitalang kaso ng pagkamatay mula sa anthrax ay patuloy ang masusing pagmamatyag ngayon. May natagpuan na rin umanong anthrax sa White House. Umanoy may tatlo nang namatay dahil sa bacteria at marami nang positibo at binigyan ng antibiotic.
Maging dito sa Pilipinas ay marami nang nangyari mula nang sumingaw ang pagkatakot sa anthrax. Halos araw-araw ay anthrax ang laman ng mga diyaryo. Natatabunan na ang ilang mahahalagang isyu. Maging ang Kongreso at Senado ay nangangamba na rin sa pagkalat ng anthrax na isinisising kagagawan ng mga terorista.
Sa lawak ng isyu sa anthrax ngayon, maaaring ang makinabang dito ay ang mga sindikato ng droga. Sa dami ng kanilang galamay na sinasabing nakakapit na sa maraming ahensiya ng gobyerno, maaari nila itong pakilusin ngayon. Marami silang kaalaman at hindi natatakot kahit na mainit ang tungkol sa droga kaugnay ng mga isiniwalat nina Angelo Mawanay at Mary Ong. Kontrolado pa rin nila dahil marami silang perang pangsuhol sa mga tiwaling tauhan ng gobyerno.
At ang nangyayaring pagkabulabog ng taumbayan at gobyerno sa anthrax ang sasamantalahin ng sindikato. Tiyak na sangkatutak pa ang ipupuslit nilang shabu, na baka mas marami pa sa nahuli kay Panukulan Mayor Ronnie Mitra. Nasakote si Mitra kamakailan ng mga natitira pang mabubuting miyembro ng PNP at National Bureau of Investigation. Nasamsam kay Mitra ang 500 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1 bilyon.
Habang patuloy ang Senado sa walang katapusang imbestigasyon tungkol sa droga, patuloy sa aming palagay ang nagsasaya ang mga sindikato. Noong Martes, kakatwang may nakitang shabu at marijuana sa gallery chairs na nakareserba sa staff ni Sen. Ralph Recto. Bagay na nagdulot ng agam-agam na pati Senado ay pinapasok na rin ng salot na shabu.
Kinatatakutan ang anthrax at sa ngayoy pinaghahandaan ng mga awtoridad. Inaabangan din naman ng mga kasamahan ng teroristang si Bin Laden. Habang nakatutok sa kanila, nakapupuslit naman ang mga sindikato ng droga na mas higit na mapaminsala sa aming palagay kaysa anthrax.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended