Barangay chairman na nagtatanggal ng kawani
October 18, 2001 | 12:00am
Si Gerry ay treasurer at si Pab ay secretary ng isang barangay. Nang manalo si Art bilang pinuno ng barangay tinanggal niya si Gerry at Pab at lima pang kawani. Hinirang niya sina Myrna at Diego bilang kapalit nina Gerry at Pab. Bilang pagtupad sa Local Government Code (Secs. 394 & 395) isinumite ni Art sa Sangguniang Barangay ang pagkakahirang kina Myrna at Diego. Ngunit hindi ito inaprubahan ng Sanggunian.
Nagdemanda sina Gerry at Pab at lima pang kawaning tinanggal ni Art na ibalik sila sa trabaho dahil ang pagtanggal sa kanila ay hindi inaprubahan ng Sanggunian. Ayon naman kay Art, hindi raw kailangang aprubahan ang pagtatanggal sa opisyal at kawani ng barangay. Ayon sa Local Government Code, ang paghirang lang at hindi ang pag-alis na kawani o opisyal ng barangay ang dapat aprubahan ng Sanggunian. Tama ba si Art?
Mali. Ayon sa Local Government Code, ang paghirang at pagpalit ng mga opisyal sa barangay ay kailangang aprubahan ng Sangguniang barangay. Ang katagang pagpalit ay sumasaklaw hindi lamang ng paghirang ng kapalit kundi ang pagtanggal sa papalitan. Bago mapalitan, kailangan munang tanggalin ang nakaupo. Kaya ang kapangyarihan ng kapitan ng barangay na magtanggal ng opisyal ay nasasaklaw ng kapangyarihang maghirang. Kung kinakailangang aprubahan ng Sanggunian ang paghirang, kailangang aprubahan din nila ang pagtanggal (Alquizote Sr. et. al. vs. ocol et. al. G.R. No. 132413 August 27, 1999).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended