^

PSN Opinyon

Editoryal - Sampulan na ang mga drug traffickers

-
Hangga’t walang nabibitay na drug traffickers dito sa bansa magpapatuloy ang talamak na pagkalat ng methampetamine hydrochloride o shabu. Hangga’t malambot ang batas, patuloy ang pananalasa ng mga salot at kawawa ang bansang ito na tataguriang "nasyon ng shabu". Panahon na para kumilos ang Kongreso na lumikha pa ng batas para maubos ang mga drug traffickers at siguruhing ang batas na kanilang gagawin ay maisasakatuparan at hindi matatambak lamang. Gumawa sila ng batas na hindi na maaaring magpiyansa ang sinumang mahuhulihan ng shabu (kahit ka-titing lamang ito). Dagdagan din ang parusa sa makukumpiskang shabu. Sa umiiral na batas, sapat nang mahulihan ng 200 gramo ng shabu para mahatulan ng kamatayan ang nagkasala. Subalit dahil nga sa kalambutan ng batas at pakikialam ng mga corrupt na huwes, hindi ito nangyayari. Isang halimbawa ay ang kaso ng Intsik na Yu Yuk Lai na nahulihan ng tatlong kilo ng shabu subalit nahatulan lamang ng habambuhay na pagkabilanggo kamakailan.

Patuloy ang pagkalat ng shabu sa kabila na nabulabog ang mga drug traffickers dahil sa pagbubunyag nina Mary Ong alyas Rosebud at Angelo Mawanay alyas Ador. Ang pagbubunyag ay lalo lamang nagpatapang sa mga salot na magpakalat pa ng mga shabu.

Isang halimbawa rito ay ang pagkakahuli sa isang town mayor sa Quezon noong Linggo habang ibinibiyahe ang may 500 kilo ng shabu. Ang mayor ay si Ronnie Tena Mitra ng Panukulan. Kasamang nahuli ni Mitra ang isang Chinese national at ang tatlo pa niyang tauhan. Ang matindi pa, ginamit ng pambiyahe ng shabu ang isang ambulansiya para hindi matunugan ng mga awtoridad. Nakabuntot naman sa ambulansiya ang Starex van na sinasakyan ni Mitra kasama si Willie Yao at ang mga bodyguard na sina Javier Morilla at Roel Dequilla. Nahuli sina Mitra sa isang barangay sa Real, Quezon. Ang nakumpiskang shabu ay nagkakahalaga ng P1 bilyon.

Ngayo’y nakatatakot nang hindi lamang pala mga corrupt na opisyal at miyembro ng Philippine National Police ang sangkot sa droga gaya ng ibinunyag nina Rosebud at Ador. Pati pala mayor ay tulak na rin ng droga. Nakatatakot na ang nangyayaring ito at kailangan pang paghusayan ng mga natitira pang mabubuting pulis ang paghuli sa mga salot.

Ang pakikiisa ng taumbayan ay mahalaga rin para tuluyan nang madurog ang mga drug traffickers. Isuplong ang mga corrupt na mayor, gobernador na kumukupkop sa mga drug lords at sumampol naman ang gobyerno para may "maturukang" tulak ng shabu. Kung hindi ngayon, kailan pa?

ANGELO MAWANAY

HANGGA

ISANG

JAVIER MORILLA

MARY ONG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON

SHABU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with