Talagang ang pagsalakay ay pinananabikan at hinihintay ni bin Laden, ng kanyang mga alipores na terorista at ng mga kumakanlong sa kanila, ang pamunuan ng Taliban sa Afghanistan.
Ani bin Laden, "hindi titikim ng kapayapaan ang US at mga mamamayan nito habang ang mga Muslim, lalo na ang mga Palestino ay walang kapayapaan."
Nagkaroon ng tsansa si bin Laden na batikusin ang Amerika. Tinuligsa niya ang US sa hantarang pagkiling nito sa Israel sa pakikidigma ng naturang bansa sa mga Palestino.
Halatang nanunuyo ng simpatiya si bin Laden sa mga bansang Muslim para mabigyang hustisya ang kanyang mga kabuktutan sa paghahasik ng lagim.
Tila pumasok sa bitag ang US at mga kaalyadong puwersa nito nang bombahin ang Afghanistan. Kapag sumalakay nga naman ang Amerika at may madadamay na mga inosenteng sibilyan, may katuwiran si bin Laden na manawagan ng "Jihad" o holy war.
Maraming komunidad ng Muslim sa buong daigdig ang nagalit dahil sa balitang pambobomba ng mga magkakaalyadong lakas na kumitil umano maging sa buhay ng mga matatanda, bata at inosenteng sibilyan.
Maging ang ilang Muslim communities sa Mindanao ay nakisali na rin sa mga kilos-protesta laban sa Amerika. Sumisigaw na rin ng "Jihad."
Kasabay ng paghuhulog ng mga mapaminsalang bomba ng mga eroplanong pandigma ng US led forces, naghuhulog din ng mga gamot, pagkain at iba pang relief goods para sa mga sibilyang Afghan na apektado ng sagupaan.
America wants to deliver the message that the war is not against Muslims. It is not a war against Islam but a war against terrorism. Pero tila mahirap makumbinsi ang ilang Muslim na nagpapahayag ng pagkampi kay Osama bin Laden. Ang Amerika raw at mga kaalyado nito ang tunay na terorista.
Sa ngayoy tuloy pa rin ang pananalakay ng US. Nagbanta pa ang Amerika na ang pag-atake ay maaaring humantong hanggang sa labas ng Afghanistan o sa mga bansa na posibleng pinagkakanlungan ng mga teroristang galamay ni bin Laden.
Sapul nang iguho ng mga terorista ang twin towers sa New York, wala pang indikasyon na pumapayapa ang situwasyon. Tila lalo pa itong naglulubha at may mga pangambang sumasaklot sa marami. Baka raw ito na ang hudyat ng ikatlong pandaigdig na digmaan.
Kung ang kahulugan ng Jihad ay banal na digmaan, panahon na rin upang ang mga Kristiyano ay makilahok sa isang holy war. Digmaang ang nangunguna ay ang Panginoong Diyos upang lupigin ang masamang espiritu na siyang nagdudulot ng dibisyon at away sa mga taong nilikha Niya.
Sa Aklat ng Efeso kabanatang 6, talatang 12, sinasabi na ang tunay nating kalaban ay hindi ang tao kundi "mga pinuno, mga may kapangyarihan at tagapamahala ng kadilimang namamayani sa sanglibutang ito - ang mga hukbong espirituwal sa himpapawid.
If we kill one another, we only serve the purpose of the Devil dahil natutupad ang layunin niyang "magnakaw, pumatay at mangwasak."
But a true Christian spiritual warfare involves prayer and fasting as we do the full armor of God:
"So stand ready with truth as a belt around your waist, righteousness as your breastplate, and as your shoes - the readiness to announce the good news of peace. At all times carry faith as a shield for with it you will be able to put out all the burning arrows shot by the Evil One, and accept salvation as a helmet, and the Word of God as the sword which the Spirit gives you. Do all this in prayer, asking for Gods help. Pray on every occasion as the Spirit leads. For this reason, keep alert and never give up. Pray always for Gods people." (Ephesians, 6: 14-18)