^

PSN Opinyon

Ang giyera laban sa red tape

KAPAG MAY KATWIRAN - KAPAG MAY KATWIRAN ni Jopet Sison -
Ang pangunahing trabaho ng Senado ay ang magpanukala at gumawa ng batas. Ang lahat ng kanilang hakbangin ay dapat dito ang direksiyon. Pero ngayon, busy ang mga Senador sa imbestigasyon at inquiry. At kadalasan, ang kanilang usapin ay hindi tumutungo sa paggabay sa kanilang tungkuling gumawa ng batas, o ‘‘in aid of legislation." Kung tutuusin, red tape rin itong matatawag na nauubos ang oras ng mambabatas sa pag-aalitan, pagbibintangan at mga hearing na wala namang batas o panukalang pinag-uusapan. Hindi rin magandang halimbawa ang bangayan na ito para sa maliliit na empleyado ng gobyerno na nais nang magpatuloy sa trabaho.

Imposible nga kayang mawala ang red tape sa Pilipinas? Ito ba ay isang panaginip lamang? Marami ang naniniwala na kayang baguhin ang masamang palakad na ito. Ang kailangan lamang ay magmula sa mga opisyales at nakatataas na opisina ang pagbabago. Marami sa mga empleyado ang masyado ng sanay sa kanilang nakaugaliang palakad na mahirap ng baguhin ang sistema. Pero sa pamamagitan ng seryosong pamunuan, mula na rin sa Presidente, maaaring matanggal ang red tape na ito.

Isa sa dapat mapasok sa isip ng mga kawani ng gobyerno ay ang konsepto ng pagbibigay ng resulta o serbisyo na mandato ng kanilang tanggapan. Kung minsan, sa sobrang pag-iisip, pag-iingat, o sa dami ng mga pipirma o magre-review, natatabunan na ang tanging pakay ng ahensiya – ang maglingkod at magbigay serbisyo. Kaunting problema at kaunting teknikalidad, taumbayan na ang paghihintayin at magdurusa. Sa kasalimuutan ng sistemang pamahalaan, susuko na lamang ang taumbayan sa pagpursige ng kanilang papeles.

Ang puno’t dulo ng problema ay ang kawani ng gobyerno. Kailangang gumawa sila ng karagdagang hakbang at pasisikap upang ihatid sa tao ang serbisyo. Unang-una kailangang maibalik ang ngiti sa kanilang paglilingkod. Dapat ay muli nilang ilagay ang kanilang sarili sa sapatos ng pinaglilingkuran. Marami na rin ang namanhid sa serbisyo. At panghuli, sundan nila ang seryosong serbisyo at puspusang trabahong ipinakikita ni GMA.

DAPAT

IMPOSIBLE

ISA

KAILANGANG

KANILANG

KAUNTING

MARAMI

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with