Tinanggal dahil nagmaneho nang walang lisensiya
October 9, 2001 | 12:00am
Labingwalong taon nang nagtatrabaho si Domeng sa isang softdrinks company. Mula sa pagmi-mekaniko naging advertising foreman siya na nagmamaneho ng trak ng kompanya.
Isang umaga habang minamaneho ang trak, nakabundol siya ng bata. Dahil sa nangyari naospital ang bata at nagkagastos ng P19,534.45. Napilitang bayaran ng kompanya ang gastos.
Ngunit nang sinisingil ng kompanya sa kanilang insurance company ang nagastos sa ospital tumanggi ang insurance company dahil lumalabas sa police report na wala palang drivers license si Domeng.
Inimbestigahan ng kompanya ang pangyayari at pinagpaliwanag si Domeng. Napag-alaman na pinagbawalan na pala si Domeng na magmaneho dahil nawala nga ang kanyang lisensiya. At siyay nakapagmaneho lang muli dahil sinabi niyang nakakuha na siya ng bagong lisensiya. Ngunit lumabas sa imbestigasyon na ang bagong lisensiya niya ay nakuha lamang makaraan ang isang linggo matapos ang aksidente.
Dahil dito, tinanggal si Domeng sa trabaho batay sa regulasyon at patakaran ng kompanya. Ayon sa nasabing regulasyon, bagamat dapat tanggalin ang empleyado pagkaraan lamang ng ika-apat na paglabag, maaari pa ring tanggalin ito kahit sa unang paglabag kung ang pinsala sa kompanya ay mahigit sa P5,000. Sa kaso ni Domeng, P19,000 ang ginastos ng kompanya.
Kinuwestiyon ni Domeng ang ginawa ng kompanya. Sinabi niya na 18 taon na siya sa kompanya at ang paglabag niya ay kauna-unahan lang sa kanyang malinis at kasiya-siyang paninilbihan. Hindi raw tama ang pagtatanggal sa kanya bilang kaparusahan. Tama ba si Domeng?
Mali. Kahit kauna-unahan ang kanyang paglabag, malinaw naman na ayon sa patakaran ng kompanya, ang nagawa niyay may kaparusahan ng pagtatanggal dahil higit sa P5,000 ang nagastos. Ang regulasyon ng kompanya ay may bisa at dapat sundin maliban na lang kung itoy labag sa batas at katwiran.
Bukod dito, ang ginawa ni Domeng na pagmamaneho nang walang lisensiya ay isang sutil na pagsuway sa ilegal na kautusan ng kompanya na alam niya at may kinalaman sa kanyang tungkulin.
Ayon sa Labor Code, itoy isang batayan upang siyay matanggal sa trabaho. Kaya tama lang ang pangtanggal sa kanya. Ngunit dahil itoy kauna-unahan niyang kasalanan, dapat ding bayaran siya ng kalahating suweldo bawat taon ng panunungkulan bilang separation pay (Aparente Sr. vs. NLRC G.R. No. 117652 April 27, 2000).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended