^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ano ang nangyari sa Memorandum No.20?

-
Apat na buwan na ang nakalilipas mula nang sumiklab ang galit ni President Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa pagkakabisto niya sa mga naglalakihang suweldo (milyunes) ng mga senior executives ng mga government owned and control corporations (GOCCs) at government financing institutions (GFIs). Hindi makapaniwala si GMA na ang mga chairman, presidents at chief operating offi-cers ay sumasahod ng P10-milyon bawat taon. Parang insulto gayong siya na isang Presidente ay kapiranggot lamang ang sinusuweldo. Pero mula nang mabulatlat ang nakasa-shocked na sahod, wala nang balitang narinig dito ang sambayanan. Nasunod kaya ang nilalaman ng Memorandum No. 20 ni GMA na nag-uutos bawasan ang malalaking sahod? O ang kautusan ay sa papel lamang.

Sa tindi ng galit ni GMA makaraang iisyu ang memorandum, nasabi nito na kung hindi susunod ang mga opisyal ay mabuti na lamang na magsipag-resign na lamang sila. Kung hindi aniya makapagsasakripisyo ay umalis na lamang sa puwesto.

May palagay kaming marami ang hindi sumusunod sa memorandum at patuloy pa ring sumusuweldo nang malaking halaga. Habang patuloy na naghihirap ang bansa at dapa ang ekonomiya marami sa kanila ang hindi marunong magsakripisyo. Balewala sa kanila ang kautusan ni GMA.

Isa sa mga dapat busisiin ni GMA ay ang malalaking suweldo ng mga opisyal ng Government Service Insurance System (GSIS). Ayon sa report, ang President and General Manager ng GSIS ay tumatanggap ng buwanang sahod na P564,869.55; Executive Vice President, P453,548.90; Senior Vice President, P300,672.45 at Vice President, 252,187.40.

Ayon din sa report maski ang lowly GSIS employees ay nakatatanggap din ng malaking suweldo kumpara sa iba pang empleado ng gobyerno. Sinasabing ang laborer doon ay sumasahod ng P27,021.50; courier, P28,510.65; security guard, P30,104.20; utility foreman, P31, 809.40; bookbinder II, P33,633.50; at clerk IV, P35,585.20.

Hindi lamang ang GSIS sa palagay namin ang may ganitong kalalaking suweldo na tinatamasa ng mga opisyal at empleado. Marami pang ahensiya ng gobyerno na nagtatago ng kabulukan sa kabila na umuusok na ang galit ni GMA para makapagtipid. Masama ring halimbawa ang ganitong malalaking suweldo sa ibang empleado ng gobyerno.

Masisisi ba ang ilan kung magrebelde o kaya’y gumawa ng masama dahil sa hindi makatarungang trato. Marahil, dapat bulatlating muli ni GMA kung ang kanyang memorandum ay nasusunod o ito’y walang pakinabang.

AYON

EXECUTIVE VICE PRESIDENT

GMA

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

MEMORANDUM NO

PRESIDENT AND GENERAL MANAGER

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SENIOR VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with