^

PSN Opinyon

May katapat ang tapat

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
Hindi lahat ng taga-Bureau of Customs ay corrupt tulad ng iniisip ng ilan nating kababayan na nagkaroon ng mapait na karanasan sa mga kamoteng Customs people.

Si Ester ‘‘Terry’’ Lopez, isang customs cashier na nakatalaga sa NAIA terminal 1 ay nakapulot at nagbalik ng salapi na nakalimutan ng isang Ikuo Fukuda, isang Japanese national na dumating sa airport noong Miyerkules ng hapon.

Nagpakita ng katapatan sa kanyang tungkulin si Terry nang isauli niya ang shoulder bag ni Fukuda na may lamang ¥850,000 o P360,000. Ipinahanap niya si Fukuda sa arrival customs area.

Halos tumindig ang balahibo ni Terry nang malaman niya ang kabuuang pera ni Fukuda. Si Terry ay may 18 taon nang nasa Customs. Nag-umpisa ito bilang clerk hanggang sa makuha niya nag kanyang puwesto bilang customs cashier.

Hindi masikmura ni Terry na kangkungin ang napulot niyang atik. Hindi niya ito kayang ipakain sa kanyang pamilya.

‘‘May mga honest customs employees pa pala sa Aduana? sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Oo naman isa na rito si Terry.’’ sagot ng kuwagong Kotong Cop.

‘‘Ano sa palagay mo at hindi ibinulsa ni Terry ang pitsa?’’ tanong ng kuwagong tiktik kalawang.

‘‘Baka hindi niya kailangan ang atik,’’ natutuwang sabi ng kuwagong maninisid ng tahong.

‘‘Siyempre lahat ng tao kailangan ng pera lalo na ngayong may krisis.’’

‘‘Si Terry ba kailangan ng pera?’’

‘‘Palagay ko hindi parang galit ito sa atik.’’

‘‘Tinanggihan nga ang P40,000 na ibinibigay ni Fukuda.’’

‘‘Bakit?’’

‘‘Trabaho lang ang kanya at walang pera-pera!’’

vuukle comment

ANO

BAKIT

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS

FUKUDA

IKUO FUKUDA

KOTONG COP

SI ESTER

SI TERRY

TERRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with