Naobserbahan umano niya na sa mga squatters areas ay sobrang dami ng mga bata. Dahil karamihan ay walang trabaho kaya ang libangan ay ang pagsisiping na nagreresulta ng taun-taong panganganak. Hindi nila iniisip kung papaano pakakainin at pag-aaralin ang mga anak.
Ipinaliwanag ni Dr. Pascual ang tungkol sa natural birth control. Dapat magsiping ang mag-asawa sa panahon ng dalawang linggo bago magregla at dalawang linggo matapos magregla. Mahirap ito sa mga babaeng irregular ang menstruation.
Bukod sa natural method may iba pang paraang ibinigay si Dr. Pascual. Ito ay ang paggamit ng contraceptives pills. Nagbabala siya na dapat sumangguni muna sa Obstetrician-Gynecologist si misis bago gumamit ng pills. Dapat sumailalim sa complete gynecological physical examination si misis bago gumamit ng pills. Ang pills ay hindi dapat na gamitin ng may history ng breast cancer, blood clots, melonoma, sakit sa atay, bato, may alta-presyon at diabetes.