Abangan ang susunod na kabanata
September 18, 2001 | 12:00am
Matapos atakehin ng mga terorista ang World Trade Center (WTC) at Pentagon, biglang nagbago ang takbo ng pamumuhay. Para bagang huminto ang ikot ng mundo at walang ginawa ang tao kundi pakiramdaman ang susunod na mangyayari.
Hindi makapaniwala ang mga Amerikano na may magtatangkang lumaban sa kanila sapagkat sila ang pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Hindi nila akalain na aatakehin sila ng mga terorista noong September 11.
Galit na galit ang mga Amerikano. Sinabi ni US President George Bush na hindi nila tatantanan hanggat hindi nila nahuhuli at napaparusahan ang mga may kagagawan ng pinakakilabot na krimen. Well smoke them out of their holes, diin pa ni Bush.
Sino ba naman ang hindi manginginig ang tumbong sa pahayag na ito? Deretsuhang sinabi ni Bush na walang pagkakaiba para sa kanila ang gumawa ng terorismo at ang mga kumukupkop sa mga ito. Dahil dito, kanya-kanya nang tanggihan ang bawat bansa na wala silang kinukupkop na mga terorista.
Nakatuon ngayon ang pansin sa Afghanistan na pinaghihinalaang kumukupkop sa bilyonaryong teroristang si Osama bin Laden. Iniipit ng US ang Pakistan para pilitin ang Afghanistan na isuko si Bin Laden. Ang buong mundo ay nakikiramdam sapagkat ang susi kung magkakagiyera o hindi ay hawak ng Afghanistan. Samantala, magdasal po tayo na huwag matuloy ang anumang digmaan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended