^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Magsalita ang walang uling

-
Iisa lamang ang maaaring magawa ng mga natitira pang "mabubuting itlog" sa Philippine National Police (PNP) upang maisalba ang natitira pang karangalan (kung meron pa) at ito ay kung magsasalita na sila at ituturo ang mga kasamahang involve sa illegal drugs. Kailangang mawala sa hanay ng PNP ang mga may koneksiyon sa sindikato ng droga. Kung mananatili ang mga opisyal o miyembro ng PNP na may kontak sa Hong Kong triad, baka hindi lamang ang Camp Crame, gaya ng sinabi ni Mary Ong alyas Rosebud, ang magiging "bagsakan" ng droga.

Kung paniniwalaan ang sinabi ni Rosebud na ang Camp Crame ay naging sentro ng droga noong 1998 hanggang 2000, tiyak hindi lamang iilan kundi maraming pulis ang sangkot dito. Sa pagpapakalat na lamang ng shabu sa lansangan ay maraming pulis ang kinakailangan upang maipasa sa mga maliliit na drug pushers. Ang masamang gawaing ito ay hindi maaaring malingid sa mga mabubuting pulis. Humigit-kumulang alam nila ang mga nangyayari kaya lamang, hindi sila makapagsalita sapagkat maaaring manganib ang kanilang buhay.

Mabigat kalaban ang mga matataas na opisyal ng PNP na ayon kay Rosebud ay pinangunahan pa noon ni Sen. Panfilo Lacson na dating chief ng PNP at nang binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF). Isinangkot din ni Rosebud si dating Nargroup chief Director Reynaldo Acop, Supt. Francisco Villaroman at iba pa.

Nararapat nang lumabas at magsalita ang mga walang ‘‘uling’’ na pulis at opisyal upang matulungan nilang maibalik ang nawalang imahe ng PNP. Ang PNP ay may kabuuang 115,000 miyembro. Nang sumabog ang mga alegasyon ni Rosebud, nasaktan umano ang mga miyembro ng PNP. Labis umano silang naapektuhan ng mga alegasyon. Sinabi ni Rosebud na ang inuorder na droga sa China ay dinadala dito sa Pilipinas at itinutuloy naman sa Camp Crame at ipinagbibili sa mga nakakulong na Chinese national.

Sa palagay namin, isang mabisang panggising ang mga alegasyon ni Rosebud para matauhan ang iba pang miyembro ng PNP sa kasamaang idinudulot ng droga. Isiwalat nila ang kanilang nalalaman sa malawakang drug trafficking. Kung hindi kikilos ang mga natitira pang mabubuting pulis, paano pa makababangon ang organisasyon. Ang solusyon kung paano maibabalik ang nawalang moral sa PNP ay nasa miyembro na rin. Tumulong silang mahuli at madurog ang mga "bugok" sa PNP na nakikipagkutsaba sa mga drug traffickers.

CAMP CRAME

DIRECTOR REYNALDO ACOP

FRANCISCO VILLAROMAN

HONG KONG

MARY ONG

PANFILO LACSON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PNP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with