^

PSN Opinyon

Gobyernong laban sa droga

KAPAG MAY KATWIRAN - KAPAG MAY KATWIRAN ni Jopet Sison -
Nakagugulat ang testimonya ni Mary Ong alas Rosebud. Isipin n’yo naman ang perang kumakalat ay umaabot sa P96 bilyon, at P24 bilyon nito ay sa Hong Kong Triad drug syndicate, ang P72 bilyon ay napupunta sa Pilipinas. Sa Kanyang salaysay ang mga pulis din ang nakikinabang sa sindikatong ito. Ayon naman kay Intelligence Chief Col. Victor Corpus, maraming empleado at ahensiya ng gobyerno ang nasa payroll ng drug lords kaya’t nakapapasok ang droga at nabebenta sa Pilipinas. Kung totoo ito, talagang malala na ang sitwasyon at mahirap malutas. Kapag bantay salakay ang nangyayari, kanino pa tayo aasa para labanan ang droga.

Siyempre, kailangang alamin din ang katotohanan sa loob ng pananalita ni Rosebud. Marahil ay may nakaraang masamang record si Rosebud, pero ang nakaraang ito ay hindi ibig sabihin na hindi totoo ang kanyang mga pahayag. Kung ang testimonyang ito ay palalakasin ng testimonya ng ibang tao na tulad ng mga ebidensiyang ibinigay ni Corpus, may kredibilidad ito.

Dapat daw ay sinabi ng pulis sa Customs na may drogang papasok sa bansa. Ito ang palusot ng Customs. Sa lahat ng pagdadahilan, ito na yata ang pinakapalpak na narinig ko. Ituturo ng Customs ang iba para lamang matakpan ang kanilang kapalpakan. Dapat usigin ngayon ang kredibilidad ng mga Custom’s officers na nagpapahayag ng ganito.

Dapat ay walang kompromiso sa laban sa pagpapabagsak sa mga drug lords at illegal drugs. Ang kapalit ng korupsiyong ito sa pamahalaan ay ang kinabukasan ng kabataan at ng buong bansa. Sa lala ng krimeng related sa droga, kailangang masugpo na ang sindikatong ito. Ang solusyon ay kailangang manggaling din sa pamahalaan na siyang may organisasyon at lakas upang labanan ito. Magkaisa na ang mga mabubuti at linisin na ang mga hanay. Sindikato ng mga lumalaban sa droga ang kailangan, at gobyerno rin ang kailangang mamuno rito.

AYON

DAPAT

HONG KONG TRIAD

INTELLIGENCE CHIEF COL

MARY ONG

PILIPINAS

SA KANYANG

VICTOR CORPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with