^

PSN Opinyon

'Happy days are here again' kay Wally

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Balik sirkulasyon ang kaibigan kong si alyas Wally na hindi naman kalbo subalit palaging naka-sombrero. Bagyo talaga itong si Wally dahil nakuha pa niyang makabangon sa liderato ni Philippine National Police Chief Dir. Leandro Mendoza matapos sumemplang noong kapanahunan ni dating PNP Chief at ngayon ay senador na si Ping Lacson.

Kung ginigisa ni Wally ang pangalan ni Lacson sa mga malalaking gamblilng lords sa bansa noong panahon niya, ganoon na rin ang ginagawa sa ngayon ng kaibigan ko sa pangalan nina Mendoza at Chief Supt. Nestorio Gualberto, hepe ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Matatandaan na itong si Wally ay nag-resign sa pagka-pulis matapos mapag-initan ni Lacson. Kung ano at magkano ang dahilan hindi ko alam. Lumipat siya sa kuwadra ni Dante Ang, ang isa sa mga crony ng nakakulong na dating Presidente Erap Estrada. Medyo namahinga siya. Pero itong mga nagdaang araw ay biglang lumutang na muli ang pangalan ni Wally at ipinangalandakan niya ang opisina nina Mendoza at Gualberto. Happy days are here again, ’ika nga para kay kaibigang Wally.

Si Wally na napaligiran ng mga armadong bodyguard ay palaging nakikita sa mga malalaki at class na beerhouses sa Quezon City. Na-monitor ng aking mga espiya na palagi niyang kausap itong si Sen. Supt. Ricardo Dapat, ang hepe ng CIDG National Capital Region (NCR), iba pang mga opisyal ng pulisya at mga gambling lords. Siyempre pa, napaligiran din siya ng mga ‘‘buwaya’’ o mga pulis na dakilang kolektor sa illegal gambling.

Sobra talaga ang suwerte nitong kaibigan ko. Hamakin n’yo na kung nagkamal siya ng limpak-limpak na salapi noong panahon ni Lacson hindi nalalayo na ganoon din ang mangyayari sa panahon ni Mendoza. Kung sabagay kailangan ni Wally ng datung para mapangalagaan ang karamdaman niya. Kung tahimik sa ngayon ang opisina nina Mendoza at Gualberto ukol sa jueteng, ’yan mga suki ay dahil ke Wally.

Si Wally lang kasi ang nakaabot o nakakausap ng malalaking gambling lords sa bansa, kaya’t walang ingay na lumalabas. Balita ko pati opisina ni Deputy Director Gen. Edgar Galvante, ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ay malapit ng i-orbit ni Wally at ng kanyang mga alipores, di ba Allan Manuela? Kung sabagay may tiwala naman ang mga gambling lords sa kaibigan kong si Wally.

Usap-usapan si Wally at ang kanyang grupo sa kampo ng Reform the PNP Movement hindi lang sa Camp Crame kundi maging sa iba pang himpilan ng pulisya. Kung nasa mainstream na naman itong si Wally nangangahulugang tuloy pa rin ang jueteng, di ba Interior Secretary Joey Lina?

Ituloy mo Sec. Lina ang balak mong sipain ang mga PNP provincial directors sa bansa dahil sa kawalang aksiyon nila sa jueteng para magsilbing babala sa pulisya natin. Habang hindi pa kumikilos si Lina, tuloy ang ligaya ng kaibigan kong si Wally. Madali siyang makilala dahil palagi siyang naka-sombrero lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

ALLAN MANUELA

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANTE ANG

LACSON

MENDOZA

SI WALLY

WALLY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with