Naku, Doktor, nahirapan si Pinong. Tatlong taon siyang nanligaw at nagtiyaga, sagot ni Aling Rosing.
Eh, di ang dami mong natanggap na sulat mula sa kanya?
Hindi sulat Doktor kundi mga matalinghagang salita ang kanyang ginamit."
Nagbigay si Aling Rosing ng ilang halimbawa:
Kung akoy umakyat sa bayabas,
Hindi kaya ako madulas?
Hindi siguro naman
Kung sa puno ka dadaan.
"Kung ako kayay magpagulong-gulong
Hindi kaya ako mahulog sa balon?
Pagkatapos ng talinghaga ay nakabisita na raw si Pinong kay Aling Rosing.
Ang kasunod ay mga pagsubok sa tiyaga ni Mang Pinong. Kailangan siyang mag-igib ng tubig, magsibak ng kahoy at mag-araro sa bukid.
Napakabigat naman yan."
Hindi naman, Doktor. Sinusubukan lang ang kanyang tiyaga at pasensiya. Ang katwiran ay simple lang. Kung makapagtitiyaga siya sa paninilbihan tanda iyon na mapagpapasensiyahan niya ako pagkasal na kami. Pati pagsagot ng "oo" ay tatlong taon din bago niya nakamit. Parte rin iyan ng pagsubok.
Parang pinarusahan mo si Pinong."
"Hindi naman Doktor dahil maaari niyang kantiin ang dulo ng aking daliri.
"Hindi siya nakahalik?
Hindi Doktor. Noong kasal kami at walang nakakakita saka lamang siya nakahalik.
Naku, patay na pala ang kabayo nang mahalikan ni Pinong ang damo."