^

PSN Opinyon

Ang propesiya ni Isaias

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Ngayon ay kapistahan ng pagka-reyna ni Maria. Ang unang pagbasa sa Misa ay mula kay Isaias. Ito ay isang propesiya tungkol sa pagdating ni Jesus.

Si Isaias ay nabuhay noong mga 700 taon bago ipanganak si Jesus. Ang mga propeta ng Lumang Tipan, tulad ni Isaias, ay nagpahayag ng pananalig ng Israel: Ang sambayanan ng Diyos ay nagmula sa Diyos at sila’y babalik sa Diyos. Subalit ang Israel ay mangangailangan ng pakikisangkot ng isang manunubos. Nakini-kinita at hinulaan ni Isaias ang pagdating ng isang Tagapagligtas sa katauhan ni Jesus (Is. 9:1-6).

‘‘Nahawi na ang dilim sa bayang malaon nang namimighati. Sa mga nakaraang araw, inilagay niya sa kahihiyan ang lupain ng Zabulon at ang lupain ni Neftali. Ngunit sa panahong darating, dadakilain niya ang lupaing ito, mula sa Dagat Mediteraneo hanggang sa ibayo ng Jordan, ang Galilea ng mga Hentil. Nakatanaw ng isang malaking liwanag ang bayang malaon nang nasa kadiliman, namanaag na ang liwanag sa mga taong namumuhay sa lupaing balot ng dilim. Iyong pinasigla ang kanilang pagdiriwang, dinagdagan mo ang kanilang tuwa. Tulad ng mga tao sa panahon ng anihan, tulad ng mga taong naghahati ng nasamsam na kayamanan. Nilupig mo ang bansang umalipin sa iyong bayan tulad ng pagkalupig sa hukbo ng Madian. Binali mo ang panghambalos ng mga tagapagpahirap sa kanila. Sapagkat ang panyapak ng mga mandirigma, ang lahat ng kasuutang tigmak sa dugo ay susunugin. Sapagkat ipanganganak ang isang sanggol na lalaki at siya ang mamamahala sa atin. Siya nag Kahanga-hangang Tagapayo, ang Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, ang Prinsipe ng Kapayapaan.


Bago dumating ang Manunubos, ang mundo ay nababalot ng kadiliman. Ang Manunubos ang magiging liwanag sa kadiliman. Ganoon isinalarawan ng Ebanghelistang si Juan si Jesus liwanag sa kadiliman.

Ang Tagapagligtas na ito ay magiging tagapagpalaya. Ililigtas niya ang Israel mula sa kaapihan. Ganito naman isinalarawan ni Lukas si Jesus. Magdadala siya ng mabuting balita sa mga mahihirap. Papalayain niya yaong mga naaapi. Bibigyan niya ng paningin ang mga bulag.

Ang sanggol na ito na isisilang ay magiging Prinsipe ng Kapayapaan. Siya ang Emmanuel. Ang Diyos ay sumasaatin. Ang Tagapagligtas na ito ay Anak ng Diyos na magiging tao. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, siya ay ipaglilihi ni Maria. Dahil sa kanyang malaking pananalig at kanyang katapatan kay Jesus hanggang sa krus, siya ay kokoronahan bilang Reyna ng langit at lupa.

ANG DIYOS

ANG MANUNUBOS

ANG TAGAPAGLIGTAS

DAGAT MEDITERANEO

DIYOS

ESPIRITU SANTO

ISAIAS

KAPAYAPAAN

LUMANG TIPAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with