Mga ibong nakulong sa hawla
August 21, 2001 | 12:00am
Nagmistulang mga ibon ang mga namatay sa Manor Hotel noong Sabado ng madaling araw. Para silang nasa loob ng hawla habang sumisigaw at kumakaway para sila iligtas.
Saklolo, tulungan nyo kami! Ito ang sigawan ng mga taong nasa loob ng Manor Hotel habang lumalagablab ang apoy. Pitumpo katao ang namatay at karamihan sa mga ito ay miyembro ng Jesus is Lord Movement at The Garden Bible Church. Nanggaling pa sila sa probinsiya.
Awang-awa si QC Mayor Sonny SB Belmonte sa mga naulilang pamilya. Serbisyong Bayan ang gustong ipadama ni SB at hindi Isakripisyo ang Bayan.
Sa asar ni SB sinibak agad nito si QC Fire Marshall Supt. Ricardo Lamense. Kasi nagpabaya ito sa serbisyo. Nagtataka si SB kung bakit nabigyan ng permiso ang Manor Hotel kahit kulang ito sa mga fire exits at ang mga bintana ay parang hawla na hindi makalabas ang mga nasa loob.
Pinakandado ni SB ang QC Engineering Dept., Business Permit and Licensing Division para bigyang daan na magsagawa ng masusing imbestigasyon ang pribadong fact-finding team na kanyang binuo.
Mga retiradong justices at private individual ang bubusisi sa nasabing trahedya para malaman ang katotohanan na nagkaroon daw ng lagayan para hindi na suriin ang nasabing gusali.
Matindi ba ang corruption sa QC hall? tanong ng kuwagong Kotong Cop.
Siguro, kasi private individual ang mag-iimbestiga at hindi mga opisyal ng QC hall, galit na sagot ng kuwagong embalsamador.
Ano sa palagay mo lalalim kaya ang imbestigasyon? tanong ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
Tiyak iyan! Hindi papayag si SB ng ningas cogon. Tandaan mo 70 ang dedbol, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Sino kaya ang mabibitag na mangongotong?
Sino pa e di
Ang mga nabukulan?
Siyempre hindi puro bukol nga ang inabot e."
Sino nga?
E di ang nagbulsa ng pitsa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am