Totoo o tsubibo
August 20, 2001 | 12:00am
Sa mga nanood o nakinig sa maghapong Senate hearing nung Biyernes, parang replay ng impeachment trial ni Joseph Estrada. May sigawan at bulungan, may bulyawan at tawanan, may bantaan at purihan. Pero di tulad ng karaniwang replay, hindi nakakabagot. Kung tutuusin, mas madrama, mas exciting pa nga.
Nandoon si Col. Vic Corpus, hepe ng AFP-Intelligence, na kumutya sa mga senador, media at madla na labanan ng lahat ang salot na droga. Nandoon si Sen. Robert Barbers bilang pinuno ng committee on public order, na di-mabasa kung nais o hindi arukin ang katotohanan tungkol sa paratang ni Corpus na drug lord si Sen. Ping Lacson. Nandoon si Ador Mawanay, dating bata raw ni Lacson, na nagkuwentong parang nasa inuman ng barkada na inutusan siya ni Lacson na mag deliver ng shabu kay Kim Wong at Jude Estrada. At nandoon si Sen. Loren Legarda na nanggagalaiti dahil iginiit ni Ador na bumili siya sa kanya ng sanlibong smuggled cellphones.
Nandoon si Defense Sec. Angelo Reyes na de-kahon lahat ng sinabi. Nandoon din si bagitong Sen. Ralph Recto na malimit magtanong ukol sa tamang procedure para walang makawawa. At nandoon naman sina Senador Nene Pimentel, Tessie Oreta at John Osmeña na kinawawa si Corpus at pinalabas na kumakausap siya ng puno sa gubat.
Pero ang naiwang tanong sa isipan ng madla ay kung baliktad na ba ang mundo. Bakit si Corpus ang inuusig ng mga senador imbes si Lacson na pinaratangang drug lord? May pinagtatakpan ba silang kani-kanilang kasalanan o sadyang kaya talaga nilang baligtarin ang lahat?
Natural, kailangang tiyakin kung matino at kapani-paniwala si Corpus bilang testigo laban kay Lacson. Pero sa pagkaka-intindi ng madla sa proseso, ilalahad muna ang paratang at ebidensiya laban sa akusado. Tapos, saka pa lang kukuwestiyunin ang nag-aakusa kung solido ba ang ebidensiya at pagkatao nito. Ang nangyari, baligtad.
Pero meron pang question hour bukas. Siguro naman, tungkol na sa mga umanoy raket ni Lacson. Kayat abangan

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest