Sa Ebanghelyo ngayong Linggo, nangusap si Jesus tungkol sa apoy. Sinabi niya na siyay naparito upang paningasin ang apoy sa lupa. Ano ang ibig niyang sabihin? At bakit siya nagdadala ng apoy. Ito ang punto na dapat nating maipaliwanag at pagnilayan (Lk. 12:49-53). Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa at sanay napagningas na ito! May isang bautismo pa na dapat kong tanggapin, at nababagabag ako hanggat hindi natutupad ito! Akala ba ninyoy pumarito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo: hindi kapayapaan kundi pagkakabaha-bahagi. Mula ngayon, ang lima katao sa isang sambahayan ay mababahagi: tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. Maglalaban-laban ang ama at ang anak na lalaki, ang ina at ang anak na babae, at gayon din ang biyenang babae at manugang na babae.
Sa kanyang pagtukoy sa apoy, si Jesus ay nagsasalita tungkol sa kanyang masidhing pagnanais na isaganap ang pagpapadalisay at pagpapanibagong ito.
Subalit ang pagpapadalisay o paglilinis ay laging humihingi ng pagpapakasakit. Kung kayat binanggit din ni Jesus ang binyag. Ito ang kanyang sinabi kina Santiago at Juan nang hiniling ng mga ito na umupo sa kanyang kanan at kaliwa. Iinuman nila ang saro o kopa na ininuman ni Jesus. Ang sarong ito ay saro ng pagpapakasakit. Ang pagpapakasakit ay nagpapadalisay o nagpapalinis.
Madalas sinasabi ni Jesus sa kanyang alagad at sa mga tao na siyay naparito upang magdala ng kapayapaan. Subalit dito, inuudyukan niya ang kanyang mga alagad na unawain na hindi siya nangungusap tungkol sa madaling kapayapaan.
Ang tunay na kapayapaan na dadalhin ni Jesus ay maghahati sa mga pamilya. Ang mabuting balita ng kapayapaan ay matatanggap ng mga taong may mabuting kalooban. Subalit ito ay tatanggihan ng mga taong mas nais na manatili sa kadiliman. Tatanggihan ng mga taong hindi handang magtaya o magbayad ng halaga ng pagmamahal at paglilingkod.