Paggamit ng viagra dapat ikunsulta sa doktor

Maraming kalalakihan ang may problema sa erectal dysfunction o hindi pagtigas ng kanilang ari. Dahil dito gumagamit sila ng mga gamot para tigasan. Isa ang viagra sa pinaka-popular gamitin. Subalit ito ay may side effects. Ayon kay Dr. Tranquilino Elicaño, isang sikat na doktor at columnist ng Pilipino Star NGAYON na dapat munang kumunsulta sa doktor dahil ito ay may side effects. Nagpapabagsak ito sa blood pressure at puwedeng pagsimulan ng kanser. Ayon pa rin kay Dr. Elicaño, maging ang pag-iineksyon ng male hormone para tigasan ang lalaki ay dapat ding ikunsulta sa doktor. Dapat ding maging maingat sa pagsasagawa ng hormone therapy. Nagbabala rin si Dr. Elicaño sa side effect ng hormonal replacement therapy sa kababaihan. Ito aniya ay pinagmumulan ng bukol sa suso at pag lumala ay nagiging breast cancer. Binigyang-diin ni Dr. Elicaño na huwag mag-self medicate.

Tungkol sa menopause na nangyayari sa kababaihan, ipinaliwanag ni Dr. Elicaño na hindi ito applicable sa mga kalalakihan. Niliwanag ni Elicaño na ang umano’y menopause sa kalalakihan ay nasa kanyang isip lamang o mental attitude. Maging ano man ang edad ng isang lalaki basta’t hindi siya baog ay makabubuntis pa siya. Dapat na magkaroon siya ng tinatawag na ‘‘stimulation’’ sa kanyang sexual partner. ‘‘He cannot just stimulate by himself,’’ sabi pa ni Dr. Elicaño.

Show comments