^

PSN Opinyon

Mayor Peewee sibakin mo na ang mga pulis na sangkot sa video karera

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Para tuluyan nang maiahon sa taguring "Sin City" ang kanyang siyudad, dapat lang sigurong ipasibak na sa tungkulin ni Pasay City Mayor Peewee Trinidad ang mga pulis na sangkot sa operasyon ng video karera sa kanyang lugar. Kasi nga, napatunayan lamang na kaya hindi mapuksa-puksa itong laganap na video karera riyan sa Pasay ay dahil karamihan naman sa mga operator nito ay mga pulis na nakaligtaan na ang kanilang sinumpaang trabaho na pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan.

Kaya kapag nag-utos si Mayor Trinidad na kumpiskahin ang mga video karera machines, iilang piraso lamang ang nadadala sa presinto at karamihan pa ay yaong hindi umaandar. Ang mga hinuhuli lamang ng mga pulis ay yaong may-ari na walang padrino para hindi naman sila buweltahan. Pero kapag wala na ang mga pulis na video karera operators diyan, sigurado akong wala nang mangangahas sa kanilang hanay na makialam sa naturang ilegal na hanapbuhay.

Hindi lang video karera ang naapektuhan sa ginawa ni Mayor Trinidad kundi pati na rin ang problema sa droga. Hindi mo ba napuna na nabawasan ang krimen diyan mula nang masara ang mga video karera, Mayor Trinidad? Wala nang dahilan para mabuksan pa sila sa hinaharap, di ba?

Pero itong si Jerry San Juan, ang may pinakamaraming video karera sa Pasay na nakasandal sa likod ng kaibigan kong columnist na may marami pang natitirang makina. Paano kasi, humihingi lang ng huli sa kanya ang pulisya para hindi naman sila buweltahan at murahin nitong kaibigan kong columnist. Napatunayan ito noong mga nagdaang araw. Kaya’t ang makina ngayon ni San Juan ay nakaimbak lamang sa bodega niya. Pinapalamig lamang niya at ng pulis na si SPO3 Rolando Pura ng anti-vice unit ang kapaligiran bago sila maglatag. He-he-he!

Sigurado akong aabutin kayo ng siyam-siyam. Malakas din ang loob nitong si San Juan. Hamakin n’yo naman na hindi lahat ng kanyang makina ay kanyang itinabi muna. Ang sistema pala ni San Juan, ipinagpatuloy niya ang operasyon ng mga makina niya sa mga lugar na hindi ko binanggit sa aking pagbubulgar. Ang siste lang, maraming mata ang nag-aabang sa kanya.

Binabantayan din ng pulisya ang walong lugar kung saan built-in o nakasemento ang video karera para hindi manakaw. Ang ginawa ng mga may-ari nito, itinabi muna ang PC board at monitor nito na ibabalik naman kapag may "go signal" na si Mayor Trinidad at ang pulisya. Maghihintay kayo sa wala mga ’igan. Nag-utos na rin si Sen. Supt. Sonny Gutierrez na walang bold shows ngayon hindi lamang sa Pasay kundi sa buong SPD area.

Lagot ang Miss Universal at Harem sa Libertad St. dahil magpupulasan na ang kanilang mga kostumer at lilipat sa ibang lugar. Patuloy naman ang kampo ng kaibigan kong columnist at pulisya sa paghanap ng padrino para mapahinto ang pagbubulgar ko sa video karera riyan sa Pasay.

JERRY SAN JUAN

KARERA

KAYA

LIBERTAD ST.

MAYOR TRINIDAD

PASAY

SAN JUAN

VIDEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with