^

PSN Opinyon

Danyos sa lupaing pininsala ng babuyan

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Ang MMR Corporation ay may 15 hektaryang lupa na ang anim na hektarya ay ginawang babuyan. Nagtayo ito ng lawa kung saan dumadaloy ang mga dumi ng baboy. Katabi ng lupa nila na mas mababa ng isa’t kalahating metro ay ang dalawang hektaryang lupa ni Crispulo na may tanim na mga langka, niyog, kape, mangga at saging.

Nang lumaki ang babuyan ng MMR at umabot na ito ng 11,000 na baboy, umaapaw na ang lawa ng kompanya tuwing umuulan dahil hindi na ito nilakihan pa. Dahil sa pag-apaw, napupunta sa lupa ni Crispulo ang mga dumi ng babuyan kaya namatay ang kanyang mga pananim.

Idinemanda ni Crispulo ang MMR upang bayaran siya ng mga danyos sa kanyang tanim. Sabi naman ng MMR hindi sila dapat managot sapagkat ang pag-ulan ay isang pangyayaring hindi sinasadya at gawa ng kalikasan. Wala raw silang magagawa tungkol dito. Sinabi rin ng MMR na dahil mas mababa ang lupa ni Crispulo, obligadong tanggapin nito ang lahat ng tubig na dumadaloy mula sa mas mataas na katabing lupa pati na ang mga bato at putik na kasama nito. Tama ba ang MMR?

Mali.
Kahit na ipagpalagay na ang pag-ulan at pagbagyo ay gawa ng Diyos at hindi ng tao, naging pabaya rin ang MMR nang hindi nila dinagdagan ang kapasidad ng kanilang lawa nang lumaki ang kanilang babuyan. Ang kapabayaang ito ang naging pangunahing sanhi ng pinsala sa lupa ni Crispulo. Ang pinsala ay hindi lamang dahil sa kalikasan kundi sa tao na rin, kaya hindi magagamit ng MMR ang katwirang ito. (Roman Enterprises Inc. vs. Court of Appeal et. al., G.R. No. 125018 April 6, 2000)

vuukle comment

COURT OF APPEAL

CRISPULO

DAHIL

DIYOS

IDINEMANDA

KAHIT

LUPA

MMR

ROMAN ENTERPRISES INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with