Sinabi ni Dr. Beltran na real beauty truly does come from within. Ang kagandahan ay nagmumula sa makinis na balat. Kailangan ng balat ng natural moisture at dapat ding mabuti ang sirkulasyon ng dugo sa katawan.
Sinabi pa ng dermatologist na ang matinding init ng araw, ang pangungunsumi at labis na pag-iisip at iba pang elemento sa kapaligiran ay sanhi ng pagkakaroon ng magaspang at kulubot na balat.
Ipinaliwanag niya na ang balat ay buhay at may kapasidad na muling mapalitan at magbago tuwing anim na buwan. Ang pagpapalit ng balat ang tinatawag na skin rejuvination. Ang mga napinsalang cells ay mapapalitan ng bago at ito ang dahilan kung bakit nagbabago ang ating balat. Nangangailangan ang balat ng tamang "stimulus" para maging maganda at makinis ang complexion. Ang pag-aapply ng anumang ointment at iba pang lotion at cosmetics ay dapat na isangguni sa isang dermatologist. Maselan ang balat kaya dapat na pangalagaang mabuti at ditoy kakailanganin ang mga eksperto sa larangan ng skin care, pagtatapos ni Dr. Beltran.