Isakdal at litisin si Ping!
August 7, 2001 | 12:00am
Kaliwat kanan ang akusasyon kay Sen. Panfilo "Ping" Lacson, dating PAOCTF at PNP chief. Matitindi ang banat sa kanya na nagsimula pa noong mapalitan siya bilang PNP chief hanggang siya ay tumakbo sa pagka-senador.
Nagimbal ang taumbayan nang lumitaw si Angelo Mawanay alyas "Ador" at isiwalat na sangkot si Ping sa mga napakaraming krimen. Isinangkot sa kidnapping, salvaging at drug trafficking.
Noong isang linggo ay sunud-sunod na ang pagbanat sa kanya ng matapang na kolumnista ng Inquirer na si Mon Tulfo. Hinalukay ni Tulfo ang kaloob-looban ng katawan ni Lacson.
Noong Linggo ay lumabas sa Inquirer ang mga bank accounts ni Ping, asawa niyang si Alice at Erap sa US, Canada at Hong Kong. Ang nakadeposito sa mga bankong ito ay $728 milyon. Ito ay aabot sa halos na P40 bilyon. Hindi pa kasama rito ang halaga ng mga bahay nina Lacson. Susmaryosep! Nakakalula!
Hindi na dapat pang maghinay-hinay ang pamahalaan lalo na ang Senado sa akusasyon kay Lacson. Sobrang tindi at walang rason upang hindi ito isakdal kaagad at litisin. Makabubuti ito para kay Ping at Erap.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest