^

PSN Opinyon

Bumalik na ang tiwala ng mga investors sa bansa

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Ayon sa Board of Investment, mahigit P50 bilyon ang naitalang namuhunan sa bansa nitong nakaraang anim na buwan. Napakataas nito kumpara sa namuhunan sa bansa noong nakaraang taon na umabot lamang sa P43.611 bilyon. Umiwas kasi ang mga namumuhunan dahil sa pagkawala ng tiwala sa bumagsak na Estrada administration.

Ang pagdagsa ng mamumuhunan sa bansa ay naitala rin sa Philippine Economic Zone Authority kung saan ang real estates investments ay tumaas ng 19 percent sa unang anim na buwan ng taon kumpara sa P16.5 bilyon noong nakaraang taon.

Sa unang bahagi ng taon ay hindi positibo ang tingin ng marami sa ekonomiya bunsod ng masamang lagay ng pulitika at kapabayaan ng nakaraang administrasyon. Idagdag pa rito na sa pagpalit ng administrasyon ay lalong nangangamba ang mga negosyante. Subalit ngayon, bagaman halos mga lokal na kompanya ang mga namuhunan ay malakas at matibay ang indikasyon na bumalik na ang kumpiyansa at tiwala sa kasalukuyang administrasyon.

Ang kasalukuyang administrasyon ay mahigit anim na buwan pa lamang at napakarami pang kailangang ayusin sa larangan ng ekonomiya, seguridad at kapayapaan, kriminalidad maging mga repormang pulitikal. Mahalaga na ang mga programa ng administrasyon ay direktang tumutugon sa mga problemang ito. Kaakibat ng pagpapabuti ng mga pangunahing serbisyo ng gobyerno gaya ng pabahay at edukasyon ay unti-unting ibinabangon ang ekonomiya. Ang malinaw na panunumbalik ng kumpiyansa sa ating ekonomiya ay magandang pangitain na nasa tamang direksiyon ang kasalukuyang administrasyon.

ADMINISTRASYON

AYON

BOARD OF INVESTMENT

IDAGDAG

KAAKIBAT

MAHALAGA

NAPAKATAAS

PHILIPPINE ECONOMIC ZONE AUTHORITY

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with