Nandoon na tayo. Pero may ethical at moral issues din dito. Una, kinikilala lang ng batas na ang sanggol ay bunga ng pagtatalik ng lalakit babae, ng pagniniig ng sperm at egg cells. E kung hindi bunga ng gayong definition, tao kaya ang turing sa sanggol o robot o clone?
Kumukulong isyu rin ang cloning sa mundo. Nakagawa na kasi ng kordero at tarsier monkey ang scientists sa Amerika at Europa. Dalawang paraan ang ginamit. Yung una, kumuha ng embryo mula sa isang tupa at pinarami sa laboratory; isa nga lang ang nabuo nila sa daan-daan. Yung ikalawa, nagbaon ng mahuhusay na cells sa sinapupunan ng matsing, at nabuo ang baby tarsier.
Malaking pagsulong ang cloning sa larangan ng medisina, anang scientists. Magagamot na raw ang cancer; kukuha lang ng malalakas na cells at ipapalit sa sakiting cells. Makapagpapalit na rin ng organs sa maliit na operasyon lang. Pararamihin sa nabubulok na atay o puso ang masisiglang cells mula sa ibang organs ng pasyente o ng ibang tao.
Pero ang tanong, saan hihinto ang lahat? E kung may over ganadong scientist na gumawa ng buong tao mula sa embryo o stem cells ng ibang tao babae man o lalaki? Baka maging perpekto nga ang tindig ng clone. So, ano na ang gagawin sa mga isinilang sa normal na paraan pero sakitin o may kapansanan? Papatayin na lang ba at gagawing pataba sa palayan?
Napunta tuloy tayo sa isa pang moral issue. Tama bang ipa-abort ang fetus na hindi perpekto kung ikukumpara sa clone? Tama bang ipalaglag ang baby sa katwirang may ibang pagkakataon pa naman?