Ang bagong anti-crime czar

Ang BANTAY KAPWA ay sumasang-ayon sa pagtatalaga kay Justice Secretary Hernando Perez bilang hepe ng bagong lunsad na National Anti-Crime Council (NACC).

Sa paghirang kay Perez bilang anti-crime czar ipinahayag ni President Gloria Macapagal-Arroyo na taglay ni Perez ang mga katangian ng dapat na mamuno sa importanteng sangay na ito ng gobyerno. Ayon sa Presidente kakaiba ang bagong tatag na anti-crime council at hindi revival lamang ang binuwag na PAOCTF.

Nangako si Perez na pag-iibayuhin ng kanyang grupo ang intelligence coordination, operation and support of the government anti-crime policies, kidnapping, bank robbery, at pagbuwag ng mga criminal syndicates ang pangunahing operasyon ng anti-crime body.

Hinamon ni GMA ang grupo ni Perez na hindi lang insurgency kundi maging ang drug trafficking, gunrunning, piracy, commercial and human smuggling, global prostitution at iba pang katiwalian ang dapat na masawata. Bukod sa mga kagawaran ng defense justice at ang DILG makikipag-ugnayan din sa naturang council ang pribadong sektor at mga NGO’s.

Magugunita na ang bagong anti-crime czar ay nagpakita na ng kakayahan sa serbisyo publiko noong siya’y congressman pa. Mahalaga rin ang naging partisipasyon niya sa panig ng tagausig sa makasaysayang impeachment trial ni dating President Joseph Estrada.

Show comments