Jueteng at putahan naglutangan sa liderato ni Mendoza
July 9, 2001 | 12:00am
Hindi lang pala mga jueteng at iba pang pasugalan ang nagbukasan sa ilalim ng liderato ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Leandro Mendoza kundi pati mga establisimiyentong pugad ng bold shows o putahan. Kung noong panahon ni Ping Lacson, na ngayon ay senador na, guerilla style ang operasyon ng jueteng at mga putahan at bold shows, sa ngayon masyadong bulgaran na. Ika nga balik sa dating gawi. Saan ang pagbabago Presidente Arroyo? Uunahin ko ang Pasay City kung saan naglilipana ang bold shows. Huwag na tayong maglayo at sa bandang Libertad St., ay nandoon ang Miss Universal kung saan maliban sa bold shows ay may mga cubicle pa kung saan puwede mag-side show. Napasara ang Miss Universal kamakailan dahil sa expose ng programang "Imbestigador" ng Channel 7 subalit nagbukas makaraang namadyik ang mga papeles sa opisina ni Mayor Peewee Trinidad. Magkano kaya? Paano mo mabura ang taguriang Sin City ang siyudad mo kung sa Miss Universal pa lamang ay palpak ka na Mayor Trinidad? Saan ang political will mo?
Sa Quezon City naman, namamayagpag ang mga nightclubs doon na pag-aari ng isang dating pulis na si Tepang. At sinabi pa ng aking espiya na may libreng blow-job ang mga kustomer sa mga nightclub ni Tepang na matatagpuan sa Cubao district. Ang pag-aari ni Tepang ay ang Idol, Bartolina, Hawaii-Five-O. Takuza 1000, Takuza 2000 at Takuza 3000. Si Tepang, ayon sa aking espiya, ay kasosyo ni SPO3 Danny Sarmiento, ng Central Police District (CPD) sa management ng jueteng operation diyan sa Quezon City. Di ba itong si Sarmiento rin ang bagman ni Supt. Cipriano Querol, ang hepe ng intelligence ng National Capital Regional Police Office (NCRPO)? Si Sarmiento ang over-all kolektor sa NCRPO.
Kinukuha kasi ni Sarmiento ang koleksiyon ng CPD at ang nakalap naman nina Paeng Palma sa EPD, Rene de Jesus sa Manila at Danny Dimagpayao sa NPD bago niya ipasa sa kamay ni Querol, ayon pa sa aking espiya. Kung noong panahon ni Lacson ay nagtatago ang mga tong kolektor, sa ilalim ng liderato ni Mendoza naglutangan sila at mas makapal ngayon ang mga mukha nila, ayon sa mga nakausap kong pulis.
VK watch! Kung nabababoy ang siyudad ng Pasay City dahil sa bold shows sa Miss Universal, lalo namang dumumi ito dahil sa naglilipanang video karera na pag-aari ng pulis na si PO3 Jerry San Juan. At dahil sa kapabayaan ni Mayor Peewee Trinidad, ang nagiging kawawa ay ang mga magulang. Nagugumon sa bisyong ito ang mga anak nilang pinag-aaral na maaaring hindi na makapagtapos. Kautusan mo lang ang hinihintay ng pulisya para maitaboy palabas ng Pasay ang video karera ni San Juan, Mayor Trinidad. Totoo bang takot ka sa kolumnistang kaibigan ni San Juan, ha Mayor Trinidad?
Sa Quezon City naman, namamayagpag ang mga nightclubs doon na pag-aari ng isang dating pulis na si Tepang. At sinabi pa ng aking espiya na may libreng blow-job ang mga kustomer sa mga nightclub ni Tepang na matatagpuan sa Cubao district. Ang pag-aari ni Tepang ay ang Idol, Bartolina, Hawaii-Five-O. Takuza 1000, Takuza 2000 at Takuza 3000. Si Tepang, ayon sa aking espiya, ay kasosyo ni SPO3 Danny Sarmiento, ng Central Police District (CPD) sa management ng jueteng operation diyan sa Quezon City. Di ba itong si Sarmiento rin ang bagman ni Supt. Cipriano Querol, ang hepe ng intelligence ng National Capital Regional Police Office (NCRPO)? Si Sarmiento ang over-all kolektor sa NCRPO.
Kinukuha kasi ni Sarmiento ang koleksiyon ng CPD at ang nakalap naman nina Paeng Palma sa EPD, Rene de Jesus sa Manila at Danny Dimagpayao sa NPD bago niya ipasa sa kamay ni Querol, ayon pa sa aking espiya. Kung noong panahon ni Lacson ay nagtatago ang mga tong kolektor, sa ilalim ng liderato ni Mendoza naglutangan sila at mas makapal ngayon ang mga mukha nila, ayon sa mga nakausap kong pulis.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended