ORA MISMO - Kawawang birhen!

Ginahasa ng 15 lalaki, nabuntis at nakulong sa Kuwait. Ito ang sinapit ni Patricia, (di-totoong pangalan) 15, ng Cavite, matapos mahikayat mag-abroad ng isang tusong illegal recruiter.

Sa Japan dapat pupunta si Patricia pero nabulilyaso ang mga papeles kaya sa Kuwait siya bumagsak. Si Nora Aquino Garcia, ang sinasabing recruiter ni Patricia ayon kay OWWA Administrator Wilhelm ‘‘Bebong’’ Soriano. Pinaghahanap na si Garcia ng batas ngayon.

Si Soriano ang gumawa ng paraan para makita at maibalik sa Pilipinas si Patricia. Nakita ito sa Kuwait, nakakulong at five months pregnant.

Dahil sa kasanayan sa pagbibigay ng tulong, ang OWWA sa pangunguna ni Soriano nagawa nilang maibalik sa Pilipinas si Patricia.

May sarili kasing batas na pinaiiral ang Kuwait na ang mga nagbubuntis na dalaga ay sa kalaboso ang bagsak. Dahil abogado si Soriano, nakapagbigay ito ng magandang paliwanag sa gobyerno ng Kuwait. Hiniling niya na i-deport na lamang si Patricia sa Pilipinas.

‘‘May kutsabahan kaya nakaalis ng bansa si Patricia? Pineke raw ang travel documents at pinalabas siyang 22 years old’’ anang kuwagong fixer sa POEA.

‘‘Paano ito nakalusot sa Immigration sa airport?’’ tanong ng kuwagong Kotong Cop.

‘‘Tiyak nagkasuhulan!’’ sagot ng kuwagong maninipsip ng tahong.

‘‘Dapat bigtihin ang mga nagsabwatan."

"Pinag-aaralan ni Soriano kung paano malalambat ang mga hunghang para sampahan ng kaukulang kaso,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Hindi titigil si Soriano hangga’t hindi nalalambat ang mga taong responsible sa nangyari kay Patricia,’’ naiiyak na sabi ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.

‘‘Five months pregnant si Patricia.’’

‘‘Sino ang ama – 15 tao ang gumalaw sa kanya?’’

‘‘For your info, everyday itong kinakabayo.’’

‘‘Kawawang nilalang!’’

‘‘Dapat itulak sa kumunoy ang mga kamoteng may kinalaman sa masaklap na karanasan ni Patricia.’’

‘‘Magni-ninong at ninang pa raw ang mga kamote kapag nanganak si Patricia?’’

‘‘Dapat!’’

‘‘Para ano pa?’’

‘‘Para sa simbahan sila makita."

‘‘Para ano nga?’’

‘‘Para ipalit kay Jesus at ipako sa krus!’’

‘‘Siyanga pala Administrator Soriano, mabuhay ka! Saludo sa iyo ang mga kuwago ng ORA MISMO sa pagtulong mo kay Patricia.

‘‘Ninong ka ba? Joke lang, he-he-he!

Show comments