^

PSN Opinyon

Alisin na ang color coding!

-
Isa ako sa mga natuwa nang ma-appoint si dating Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos bilang Chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Malawak ang kanyang kaalaman sa suliranin ng Metro Manila lalo na ang tungkol sa basura at trapiko. Marami ang umaasa na mabibigyan kaagad ng solusyon ni Abalos ang dalawang problemang ito.

Isa rin sa dapat pagtuunan ng pansin ni Abalos ay ang kahilingan ng mamamayan na alisin na ang Unified Vehicle Reduction Scheme o color coding. Hindi rin naman nakakamit ang tunay na hangarin ng nasabing sistema. Bagkus, ito ang ginagamit na paraan ng mga sakim na traffic enforcers para makuwartahan ang mga motorista. Wala nang ginawa ang mga ito kundi mag-abang na parang mga gutom na buwitre.

Alisin na ang color coding scheme. Naniniwala ako na mayroon pang ibang paraan upang maibsan ang trapiko maliban sa color coding. Halimbawa, bakit hindi limitahan ang mga malalaking sasakyan na katulad ng mga buses at trucks sa mga pangunahing lansangan? Doon na lamang sa mga panloob na lansangan sila padaanin.

Alam kong marami pang paraang maiisip ang MMDA upang mabigyan ng solusyon ang problema ng trapiko. Dapat harapin ng totohanan ni Abalos ang tamang pagpapairal ng mga batas at regulasyon tungkol sa maayos na trapiko. Halimbawa, tama bang payagang huminto ng matagal ang mga buses sa mga lugar na nagbabawal nito? Ginagawa nang parang terminal ng mga buses ang mga no-loading and unloading areas. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nagta-trapik sa mga lansangan. May cashunduan ba sa pagitan ng traffic enforcers at mga bus drivers? Ano ang say mo Chairman?

ABALOS

ALAM

ALISIN

HALIMBAWA

ISA

MANDALUYONG MAYOR BENJAMIN ABALOS

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

UNIFIED VEHICLE REDUCTION SCHEME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with