^

PSN Opinyon

Laban sa Sayyaf: Spiritual warfare

-
May nag-react na Muslim sa aking Litra-Talks noong Huwebes. Huwag ko raw idamay si "Allah" sa mga kapalaluang ginagawa ng bandidong Abu Sayyaf.

Sa Litra-Talks, ito ang linyang sinabi kunwari ni President Arroyo: "Demonyong Abu Sayyaf. Hindi ba sila naniniwala kay Allah?

Sumagot ang karakter na si Robin Uod: "Iba ang Allah nila." Nagdugtong si Brat Pig: "Ala silang Diyos."

Tumunog ang aking cellphone at ito ang text message na tinanggap ko: "Hoy, kayong taga PSN, huwag idamay ang pangalan ni Allah sa gulo ng Abu Sayyaf."

Sinagot ko ang anonymous Muslim caller. Sabi ko kung tunay kang Muslim dapat tayong manalangin na durugin ng Diyos ang kasamaan ng Abu Sayyaf.

Talaga namang sa ginagawa ng mga bandidong ito, ipinakikitang wala silang dinidiyos.

Naniniwala rin akong iisa ang Diyos na sinasamba ng mga Kristiyano at Muslim na parehong nagmula sa angkan ni Abraham.

"Allah" ang tawag ng mga Muslim sa Diyos at sa mga Kristiyano naman ay "Eloi". Pareho ang tunog. Parehong ang accent ay nasa huling syllable.

Dangan nga lamang at iba ang pamamaraan ng pagsamba.

Kristiyano man o Muslim, hindi puwedeng itsapuwera ang Diyos sa suliraning ito. Hindi puwedeng hindi idamay si Eloi o si Allah dahil nangyayari ang ganitong mga kaguluhan sapagkat hindi na marunong manalangin ang tao.

Demoniko na ang gawain ng Abu Sayyaf. Wala nang kinikilalang rason. Kahit pa ang isang atheist o hindi naniniwala sa Diyos ay may natitira pang konsensiya pero ang Abu Sayyaf ay wala na.

Isa pa nakataya ang reputasyon ng buong Islam dahil sinasabing Muslim daw ang mga bandidong ito. Marahil sa katawagan ay Muslim sila pero nunka sa kanilang mga ginagawang kahayupan na pawang labag sa turo ng Islam.

Pati isang Ustadz (paring Muslim)na nagtangkang makipag-usap sa kanila ay napabalitang pinugutan ng ulo.

Marahil, kahit pa si Cristo o si Mohammad ang magpakita sa kanila sa layuning makipag-usap ay pupugutan din nila ng ulo.

Ang labanan ngayon ay more spiritual in nature. Walang ano mang lakas ang tao na makalulutas sa problema dahil ngayon ibig ipamalas ng Diyos ang kaniyang kapangyarihan.

Manalangin tayo para sa pamahalaan upang magtamo ng wastong direksyon sa pagresolba ng suliraning ito.

ABU SAYYAF

BRAT PIG

DEMONYONG ABU SAYYAF

DIYOS

ELOI

KRISTIYANO

LITRA-TALKS

MUSLIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with