Sayang na senadora
June 13, 2001 | 12:00am
Ang isa sa mga dahilan kung kayat napunta si Lucifer sa impiyerno at naging Satanas ay dahil sa kanyang pride at arrogance. Si Miriam Santiago ay isang maihahambing kong character na sobrang bilib sa sarili na akala niya ay mahal pa rin siya ng mga taong bumoto sa kanya. Ang mga insekto" ay definitely hindi nila alam kung ano ang Harvard o Stanford o Cambridge. Malamang lahat ng mga kawawang insekto na bumoto sa kanya dati na naging senadora siya ay hindi rin nakapasok sa loob ng UP Diliman o nakakita ng Mercedes 140 B niya na may halagang P3 milyon!
Bakit naman kailangan maging pikon ang gaya niya porke talo siya? Bakit hindi niya sisihin ang mga ibang kasama niya na maaring nambiktima sa kanya ng dagdag bawas. Pero sa opinyon ko, maybe hindi na kailangang idagdag-bawas siya. Dahil sa ugali niya, talagang babawas din ang paniniwala ng mga insekto sa kanya. Baka sabihin niyang ako ay naninira. Sa totoo lang, di ko siya kilala personally, nagkataon lang naawa ako sa mga taong masa na tawag niya ay insekto." Di karapat-dapat iyon kung mayroon kang magandang asal. Iyan mga kaibigan kayat nalintikan si Lucifer at naging Satanas.
Hindi natin malalaman ang takbo ng isip niya (kung saan man nanggaling) pero, ako ay natutuwa na hindi siya kasama sa magic 13 ngayon. Its bad enough na puro batikos ang nakuha ni GMA sa mga gaya niya at sa mga hindi bumotong buksan ang second envelope at walang ginawa kundi manggulo sa senado. Kawawa tayong lahat. Kung mayroong mga gaya nila na makababalik sa senado e di wala silang gagawin kundi pahirapan nila ang bagong administrasyon natin ng walang basehan. So, paano tayo magkaka-healing sa mga pulitika at higit sa lahat, paano natin matutulungan ang mga mahihirap.
Sabihin na lang natin na maaaring makarma si Miriam ngayon, pero siguradong mamalasin siya palagi kung hindi siya magbabago ng ugali at puso. Ang pagmamahal at serbisyo para sa mamamayang Pilipino ay hindi nakukuha sa dami ng diploma sa UP, Ateneo, Harvard, Cambridge, Standford at iba pa. Ang pamamaraan na makukuha ito ay sa respeto at pagtulong sa taumbayan, mayaman man o mahirap. Higit sa lahat, kung ang turing niya sa masa ay isang insekto, ewan ko kung ano ngayon ang tingin ng masa sa kanya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest