Ang mga palatandaan ng cancer sa larynx ay ang hoarseness ng boses. Ibig kong bigyang-linaw na ang mga teachers, radio announcers at mga politicians ay nakararanas ng hoarseness subalit sa pamamagitan ng tamang medikasyon at pamamahinga, babalik din ito sa dati. With cancer of the larynx, the tumor inhibits the vibration and movement of the vocal cords as the disease becomes worse, the patient also develops chronic cough. Magkakaroon ng pagbabago sa voice pitch, throat discomfort, a lump in the throat, difficulty or pain in breathing or swallowing and earache.
Para sa proper examination, kumunsulta sa E.N.T. specialist sapagkat ito ang may kaalaman at may instruments para ma-evaluate ang inyong kaso. Kung may mga pagdududa sa examination, maaaring isagawa ang x-ray, CT scan o MRI bago isagawa ang biopsy. As far as treatment is concerned, surgery, radiation theraphy and chemotheraphy may be given even as a combination theraphy.
Kung made-detect kaagad ang cancer of the larynx, malaki ang posibilidad na ito ay magagamot. Gayunman, mababa ang survival rate kapag ang cancer ay hindi kaagad na-detect at nasa advance stage na.
Sa mga sumailalim sa operasyon at ang kanilang mga lalamunan ay may mga open tubes, dapat nila itong pag-ingatan. Bawal sa mainit at malamig na lugar at dapat iwasan ang gases, fumes or dusts. Ang pagsu-swimming ay ipinagbabawal din sapagkat maaaring pasukan ng tubig ang mga baga. Ang mga pasyenteng inalis na ang larynx ay kinakailangang matuto sa pagsasalita sa pamamagitan ng kanilang esophagus.
Ang pag-asa para makaligtas sa cancer na ito ay sa pamamagitan ng maagang pagkaka-detect upang maiwasan. Ang mga cancer researchers ay nagde-develop sa kasalukuyan ng mga epektibong combinations of treatments. Matutulungan ng bawat isa ang kanilang sarili kung iiwasan ang paggamit ng tabako at kung iinom ng alak ay gawing katamtaman lamang. Kung magagawa ang mga ganito, at matututuhan ang malusog na pamumuhay, maiiwasan ang cancer of the larynx.