^

PSN Opinyon

Power bill na para sa masa

-
Maraming grupo ang tumutuligsa sa pagpasa ng Omnibus Power Bill sapagkat para sa kanila ang pagsasa-pribado ng National Power Corporation (Napocor) ay magbubunga ng mas mataas na presyo ng koryente. Ipapasa raw sa mga mamimili ang mga utang ng Napocor.

Sa puntong ito, kailangan muna nating makita ang kalagayan ng power industry sa bansa. Una sa lahat, ang Pilipinas ay isa sa mga may pinakamataas na presyo ng elektrisidad sa Asya. Ang Napocor ay pag-aari ng gobyerno at ang kabuuang pagkakautang nito ay umaabot sa 25 percent ng ating national budget at tumatanggap ito ng humigit kumulang na P16 bilyon bawat taon bilang subsidy mula sa gobyerno. Kung hindi isasapribado ang Napocor, patuloy pa ring lolobo ang pagkakautang nito at patuloy din ang pagsusustento ng gobyerno dito ng malaking halaga bawat taon.

Sa ganitong kondisyon ng power industry, kinakailangang magpatupad ng reporma upang bumaba ang presyo ng koryente at upang matigil na rin ang malaking pasanin ng gobyerno. Bagaman maraming grupo ang sumusuporta sa pagreporma sa power industry gaya ng mga negosyante, electric cooperatives at samahan ng mga electric consumers kailangan pa rin na sa proseso ng pagpapabuti at pagpapalakas ng industriyang ito. Kailangang ang pangunahing konsiderasyon ay ang kabutihan at kapakanan ng publiko. Napakahalaga na masiguro na sa implementasyon ng batas na ito ay hindi ang publiko ang malulugi. Napakalaking implikasyon ng pagpasa ng Omnibus Power Bill sa ating ekonomiya at lalo na sa publiko. Kung kaya tama lamang ang binitiwang salita ni President Gloria Macapagal-Arroyo na hindi niya pipirmahan ang Power Bill kung hindi bababa ang presyo ng koryente.

ANG NAPOCOR

ASYA

BAGAMAN

IPAPASA

NAPOCOR

NATIONAL POWER CORPORATION

OMNIBUS POWER BILL

POWER

POWER BILL

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with