^

PSN Opinyon

ALAY-DANGAL - Ipinapanalangin ni Jesus ang kanyang mga alagad

- Jose C. Blanco S.J. -
Para sa lahat ng tinawag upang maging tagasunod ni Jesus, ang Ebanghelyo sa araw na ito ay nagbibigay kasiyahang-loob. Sinasabi sa atin ng Ebanghelyo na ipinanalangin ni Jesus ang kanyang mga alagad. Ipinanalangin din niya tayo.

Ano ang panalangin ni Jesus? Pakinggan natin ito ayon sa pagkakasalaysay sa atin ni Juan (Juan 17:11-19).

‘‘At ngayon, ako’y papunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila. Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, kung paanong tayo’y iisa. Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalang ibinigay mo sa akin. Inalagaan ko sila at ni isa’y walang napahamak, liban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan. Ngunit ngayon, ako’y papunta na sa iyo; at sinasabi ko ito habang ako’y nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking kagalakan. Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita; at kinapootan sila sa sanlibutan, sapagkat hindi na sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Hindi ko idinadalanging alisin mo sila sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa Masama! Hindi sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo’y katotohanan. Kung paanong sinugo mo ako sa sanlibutan, gayon din naman, sinusugo ko sila sa sanlibutan. At alang-alang sa kanila’y itinalaga ko ang aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan.’’


Una,
ipinanalangin ni Jesus na nawa’y ang kanyang mga alagad ay magkaisa. Sila’y tinawag para sa isang layunin. Kung sila’y hindi nagkakaisa, hindi lamang sila hindi makagaganap sa pagsasakatuparan ng kanilang misyon, sisirain pa nila ito. Walang grupo o pamayanan ang maaaring makatamo ng kanilang misyon kung ang naturang grupo o pamayanan ay hindi nagkakaisa.

Ikalawa,
ipinapanalangin ni Jesus na nawa’y ang kanyang mga alagad ay maipagsanggalang o mailigtas mula sa masamang espiritu. Ayaw ni satanas o ng demonyo na magtagumpay ang Kristiyano. Nais ng demonyo na ang lahat ng tao ay mapatapon sa impiyerno. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng pagsisinungaling, sa pamamagitan ng panunukso. Si Jesus mismo na minsa’y tinukso ay nananalangin na nawa’y huwag tayong sumuko o mapadala sa masamang espiritu. Sa dasal na ‘‘Ama Namin,’’ yaon din ang ating panalangin sa Ama: na huwag tayong maipahintulot sa tukso at maiadya sa lahat ng masama.

Ikatlo,
ikinonsegra ni Jesus ang kanyang mga alagad. Ang pagkonsegra ay nangangahulugan ng pagsasantabi o pagbubukod sa tabi para sa isang layunin. Oo, ibinubukod tayo ni Jesus upang ipahayag ang mabuting balita ng kaligtasan. Tayo ay ibinubukod upang magdala ng pag-asa at tuwa sa iba.

Ang ibig sabihin din ng pagkokonsegra ay pagbibigay-kapangyarihan, pagbibigay-kakayanan sa isang tao upang isakatuparan ang isang gawain. Ikinokonsegra tayo ni Jesus sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang Espiritu. Kasama ng Espiritu ni Jesus, hindi tayo mauudlot sa ating gawain; tayo ay magtatagumpay.

AMA NAMIN

EBANGHELYO

ESPIRITU

JESUS

PAMAMAGITAN

SANLIBUTAN

SI JESUS

SILA

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with