Kamay ni SPO1 Jun Lim nakaposas laban sa 3 itlog
May 30, 2001 | 12:00am
Doblado! Yan mga kababayan ang paboritong salita sa ngayon diyan sa eastern at southern Metro Manila ng mga tauhan nina Chief Supt. George Aliño at Sr. Supt. Sonny Gutierrez, mga hepe ng Eastern at Southern Police Districts. Ang problema lang mga suki, itong mga tauhan lang nina Aliño at Gutierrez ang masasaya at nakangisi dahil sa salitang doblado at ang naiiwang nakasimangot ay ang mga illegal gambling financiers at mga may-ari ng mga establisimiyentong may palabas na bold shows. At ang kinaiinisan pa ng mga gambling at beerhouse operators ay ang dalawang Charlie na nagsisilbing kolektor ng lingguhang intelihensiya ng dalawang distrito ng pulisya.
Mabagsik itong si Charlie ng EPD. Hamakin nyo kung noong panahon ng administrasyon ni Erap ay P30,000 hanggang P40,000 ang lingguhang intelihensiya ng jueteng lord na si Cris dela Paz sa ngayon ay doblado na. Si Dela Paz, na nakabase sa Marikina City, ang hari sa ngayon ng jueteng sa eastern Metro Manila. Maliban kay De la Paz sa naturang siyudad din nag-ooperate itong sina Joel Guevarra at Eddie Texas. Si Guevarra ang nasa likod ng operasyon ng sakla-patay samantalang si Texas naman ay bookies ng jai alai. Sa Pasig City, nandiyan si Eddie Cruz samantalang sa Mandaluyong ay nariyan ang tatlong itlog na sina Buddy, Diday at Ely Kambingan.
Mukhang nakaposas ang mga kamay ni SPO1 Felipe-Jun Lim Jr., alyas Mr. Grocery laban sa tatlong itlog. At bakit tahimik si Mayor Benhur Abalos laban kina Buddy, Diday at Ely Kambingan? Magkano ba Mayor? Tanong lang. Sa San Juan naman ay kasalukuyan pang nagsasara ng pag-uusap itong si Charlie kay Peping Suarez, ang kumpare ni Erap na sinuspetsahang may kinalaman sa nakaraang People Power 3 sa EDSA. Kung patuloy na nag-ooperate ang mga binanggit kong mga gambling lords sa EPD, ibig kong sabihin mga suki nagkasundo na sila ni Charlie, ang tumatayong bagman ni General Aliño.
Kung si Charlie sa EDP ay matulis at matalas, ganoon na rin ang kanyang kapangalan sa SPD. Halos magkapareho ang operasyon nilang doblado at walang pakialam si Charlie ng SPD kung wala ng matitira sa mga gambling lords at beerhouse operators. Pero kahit nagagasgas ni Charlie ang pangalan niya, walang pakialam si Gutierrez, na ayon sa aking espiya ay bata ni Mikey Arroyo, ang anak ni Presidente Arroyo na vice governor ngayon sa Pampanga.
At may pagyayabang pang sinasabi nitong si Charlie na kasunod na hepe ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) itong si Gutierrez para matakot ang mga kinokolektahan niya. Ang tapang ng apog mo Tol. Pero kung tutuusin kaya matapang magbilad ng pangalan itong magkapangalang Charlie dahil alam nilang malamya ang liderato ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza. Tsk! tsk! tsk! Saan patutungo ang PNP natin? Pakisagot mo nga Senior Supt. Ric Dapat Sir.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended