^

PSN Opinyon

Hustisya hindi pulitika

-
Hindi ko maintindihan kung bakit masyadong binibigyan ng importansiya kung saan ikukulong si dating President Erap at anak nitong si Jinggoy. Pati si President Gloria Macapagal-Arroyo ay mukhang natataranta na rin.

Tingnan na lang ang nangyayari sa taumbayan. Hati-hati, grupu-grupo. Hindi na tuloy malaman kung ano talaga ang kani-kanilang prinsipyo at paniniwala kung saan ikukulong si Erap.

May mga nagsasabing dapat na ituring na parang karaniwang kriminal si Erap dahil sa ginawa niyang kasalanan sa bayan. Mayroon namang naniniwala na si Erap bilang dating President ay nararapat lamang na bigyan ng special treatment. Isa pa, hindi pa naman daw nalilitis si Erap kung siya nga ang may kasalanan o wala. Ang iba naman ay walang pakialam sa isyung ito.

Ngunit ang nakakuha ng aking atensiyon ay ang nababalitang kaya raw espesyal ang turing ni GMA kay Erap ay upang makuha nito ang tulong at suporta ng dating Presidente sa eleksyon sa 2004. Totoo nga kaya ito?

Para sa akin, hindi dapat pasukan ng pulitika ang tungkol sa kalagayang ito ni Erap. Ipaubaya na lamang ang mga bagay na may kinalaman sa mga kaso ni Erap sa Sandiganbayan at sa Philippine National Police. Hustisya ang dapat manaig, hindi pulitika.

ERAP

HATI

HUSTISYA

IPAUBAYA

ISA

JINGGOY

MAYROON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT ERAP

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with