^

PSN Opinyon

Stop political violence

-
Ilang linggo bago sumapit ang election noong May 14, naitala na sa humigit-kumulang na 79 katao ang namatay. Kabilang sa mga namatay si Rep. Marcial Punzalan, Jr. ng Quezon; Batangas Mayor Cesar Platon, at ang mayor ng Sta. Lucia, Ilocos Sur. Karamihan sa mga pangyayaring ito ay naganap sa lalawigan na kung saan ay mainit ang labanan ng mga pulitiko.

Bilang isang samahang tumutulong sa mga biktima ng krimen, kasuklam-suklam para sa VACC ang mga nangyari, na tila nagiging isang pangit na bahagi sa ating lipunan tuwing sasapit ang election.

Sa pagkundena ng VACC sa mga karahasang nabanggit, ipinahayag naman ng VACC ang pag-suporta sa mga naiwan ng mga biktima upang mabigyan ng hustisya.

Malinaw na sa paglipas ng panahon, hindi maganda ang landas na tinatahak ng ating lipunan tungo sa kaayusan at kapayapaan. Ang mga karahasang nangyari ay pagpapatunay lamang na ang kasakiman sa pera at kapangyarihan ay naipapahiwatig pa rin sa uri ng pulitika sa ating lipunan.

Marahil nga ay wala pang political maturity ang taumbayan sa paggamit ng kanilang karapatan sa pagpili ng mga manunungkulan sa ating bayan. Wala na ring ibang paraan ang ating pamahalaan kundi ipatupad ang mga batas nito kung nais pa nitong maibalik ang kaayusang pang-ekonomiya at pang-seguridad sa bansa.

Kapayapaan at hindi kaguluhan nawa ang mamayani sa ating bayan sa mga panahong ito, lalo na’t tapos na ang election. Ang adhikaing ito ay isang hamon hindi lamang sa pamahalaan, kundi pati na rin sa ating mga bagong halal na mambabatas at mga pinuno ng lahat ng sangay ng ating lipunan. - ni Dante LA.Jimenez

ATING

BATANGAS MAYOR CESAR PLATON

BILANG

ILANG

ILOCOS SUR

JIMENEZ

KABILANG

KAPAYAPAAN

MARCIAL PUNZALAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with