Bakit tahimik si Supt. Tor sa illegal gambling sa QC?
May 20, 2001 | 12:00am
Naglilipana na naman ang ilegal na pasugalan diyan sa Quezon City at ang mga mata ng mga residente ay nakatuon sa hepe ng pulisya na si Senior Supt. Rodolfo Tor, ng Central Police District (CPD). Hindi pa kasi nabubura sa isipan ng taga-Quezon City ang kaso na pang-aarbor ni Tor ng isang tupadahan diyan na pag-aari ng kapatid ng isang opisyal ng Department of National Defense (DND), kayat may suspetsa sila na may kinalaman ito sa paglaganap nga ng pasugalan sa kanilang lugar.
Kung si Tor ay sobrang tahimik laban sa ilegal na sugal noong bago mag-election, sa tingin ng taga-Quezon City panahon na para magsagawa siya ng kaliwat kanang operasyon laban dito dahil wala na siyang dapat idahilan ngayong tapos na ang election. Ang isa sa mga namamayagpag na gambling lord sa Quezon City ay itong si Oliver Esteban, na nakabase sa kanto ng Dagupan at Bernardo Sts. sa Frisco. Si Esteban ang halos lumalaban sa lahat ng bookies ng jai alai diyan sa Quezon City. Milyon ang kubransa niya. Tahimik lang itong si Esteban subalit napuna ng aking espiya na palaging may dumadalaw na pulis sa puwesto niya. Alam kaya ito ni Sr. Supt. Tor?
Kontrolado naman ng isang pulis na si Danny Sarmiento at retiradong pulis na alyas Tepang ang jueteng sa Quezon City. Ayon pa sa aking espiya, si Tepang ang siya ring may-ari ng chain of beerhouses sa Quezon City na may bold shows. Totoo bang itongsi Sarmiento at Tepang ay direkta kay Tor? Nabanggit ko na rin ang mga tiwaling kapulisan dadagdagan ko na. Si Freddie Lumba ng Caloocan City pulis na dating nagmimintina ng bookies ng karera sa kanyang siyudad ang siyang kolektor ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga peryahan sa Metro Manila. Kasama niya ang palaging nakangising si Tikboy Garcia. Paldo ba ang kita mga Tsong?
Si Paeng Palma at ang retiradong pulis na si Eddie Borja ang gumagasgas ng pangalan ni Deputy Director General Romeo Peña, hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO). Totoo ba na hawak ni Jojo Palma ang mga tarima sa sidewalks at ilegal terminal ng jeepney na bumibiyahe diyan sa Divisoria? Dumarami ang pulis nating tinaguriang buwaya at mukhang inutil si PNP Chief Director General Leandro Mendoza sa pagsupil sa kanila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended