KRUSADA - VACC: Outstanding Corruption Prevention Unit ng Ombudsman
May 20, 2001 | 12:00am
Sa unang anibersaryo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa kalayaan hall, Malacañang, noong Agosto 28, 1999, naganap ang isang makasaysayang bahagi sa layunin ng samahang maituturing na pinakaaktibo at malawak sa larangan ng pagsugpo ng krimen at katiwalian sa buong bansa. Ang makasaysayang pangyayaring ito ay ang pagbasa ni Ombudsman Aniano Desierto ng Deputization ng VACC bilang Corruption Prevention Unit (CPU) ng Ombudsman.
Ang problema ng katiwalian ay masasabi kong isa sa pinakamalaking problema ng ating pamahalaan mula pa man noong panahon ni President Quezon. Bakit binigyan ng pansin at tuon ng VACC ang problemang ito maliban sa krimen?
Marami nang pag-aaral at imbestigasyon ang nagawa na ng mga nakalipas na administrasyon ng Republika ng Pilipinas at ang problemang ito ay hindi masugpu-sugpo. Napakahalaga sa bahagi ng VACC ang layuning makatulong sa ating pamahalaan na bawasan lamang ang katiwalian sa ating ibat ibang sangay ng pamahalaan.
May lumabas na pagsusuri ang Social Weather Station (SWS) na 40 percent daw ng budget ng pamahalaan na ibinabahagi sa ibat ibang ahensiya ay napunta sa katiwalian. Kung ang ating 1998-1999 budget ay umaabot sa 570 bilyong piso at ang utang ng pamahalaan sa ibat ibang banko sa mundo ay umaabot sa palagay natin ay mga P170 bilyon bawat taon, ang maiiwan ay P400 bilyon para sa pamahalaan. Kung tama ang pagsusuring nabanggit, masasabi kong P160 bilyon ay napupunta sa katiwalian. Sana ang kalkulang ito ay mali, dahil kung tama ito ay masasabi nating nakakalungkot at kagimbal-gimbal.
Noong Biyernes, buong karangalang tinanggap ng VACC ang parangal dito bilang Outstanding Corruption Prevention Unit (CPU) ng Ombudsman, matapos lamang ang mahigit sa isang taong pakikipagtulungan nito sa nasabing ahensiya ng pamahalaan sa pagsugpo sa katiwalian.
Panauhing pandangal si President Gloria Macapagal-Arroyo, na nagbigay ng parangal sa mga napili ng Ombudsman bilang mga tunay na kabalikat nito sa kampanya ng pamahalaan laban sa katiwalian.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended