Hindi rin nalingid sa madla ang kasiyahan ng dating Presidente sa pagdalaw ni GMA. Dahil dito, natawag pa nga ni Erap si GMA ng Mahal na Pangulo. Pinagbigyan ni GMA ang ilang kahilingan ni Erap katulad ng mahaba-habang oras sa pagbisita ng kanyang pamilya at paglalagay ng kurtina sa kuwarto.
Maraming kabutihan ang naidulot ng pagbisita ni GMA kay Erap at isa rito ay ang para sa kapayapaan ng bansa. Naipakita na may demokrasyang nananaig sa Pilipinas kahit na sa mga taong nakagagawa ng pagkakasala sa taumbayan.
Naipakilala ni GMA ang kanyang katatagan, tapang at katalinuhan kahit na sabihin pang siya ay isang babae na malumanay ang pagsasalita. Terrific pala ang gustong sabihin ng small but terrible."
Marami ang umaasa at nagdarasal na maipagpatuloy ni GMA ang pagtalakay sa marami pang mga suliranin na kinahaharap ng ating pamahalaan hindi lamang ang mga bagay-pampulitikal na dulot ng nakaraang rebelyon kundi ang tungkol sa ekonomiya at iba pang bagay-pangkabuhayan ng mga Pilipino. Sana nga ay umangat na ang mga Pinoy sa mabuti at makatarungang pamamaraan.