^

PSN Opinyon

'Ghost congressman ng Mandaluyong'

-
May sapat na dahilan para maghinanakit ang mga residente ng Mandaluyong City kay Rep. Neptali "Boyet’’ Gonzales Jr., dahil sa wala naman itong ipinakitang proyekto mula sa P1.7 bilyon na tinanggap niya sa tatlong taon niyang pagiging kinatawan ng siyudad sa Kongreso. At dahil si Gonzales ay nakatira rin hindi sa Mandaluyong City kundi sa Cainta, Rizal, hindi niya napakinggan ang mga hinaing ng mga residente, lalo na ang pagsulong ng serbisyo publiko, na hindi naman napunuan ng administrasyon ni Mayor Benhur Abalos. "Para siyang isang multo. Alam namin na siya ang congressman namin subalit ni hindi pa namin siya nakikita," ani Marvin Galino, isang law student na residente ng Barangay Addition Hills kay Gonzales.

Ang tunay umanong naninirahan sa Mandaluyong City, ani Galino, ay ang biyenan ni Gonzales na si dating Vice Mayor Benito Francisco at ang mga anak nito. Sa panahon ng election ngayon, ang tawag ng taga-Mandaluyong City kay Gonzales ay "ghost congressman" dahil siputin-dili sila nito. At minaliit din ng mga residente ang accomplishment ni Gonzales sa tatlong taon nitong panunungkulan.

Base sa recod ng Kongreso, ang mga batas na naipasa ni Gonzales ay ang pagdeklara ng Pebrero 9 ng bawat taon bilang special working holiday sa siyudad, pagpalit ng pangalan ng Mandaluyong City High School (Mauway annex) sa Mandaluyong East High School at ang isang resolusyon na nagpapaabot ng pakikiramay sa pagkamatay ng kapatid ng isang congressman. Ang bigat ng mga batas na ‘yan ah. At sa P1.7 bilyon na pondong ini-release sa kanya, P29 milyon lamang ang nagamit ni Gonzales sa proyekto at ito ay ang pagpaganda ng mga pader ng mga pampublikong paaralan sa siyudad. Ano ba ‘yan?

"Saan napunta ang natirang pondo?" ‘yan ang katanungang gustong sagutin ni Rep. Gonzales sa mga residente ng siyudad. Inamin ni Galino na ang popularidad ng ama ni Gonzales na si dating Senate President Neptali Gonzales Sr., ang nag-udyok sa kanila para suportahan si Boyet noong nakaraang eleksiyon. Pero dahil sa nakikita nilang kamalian sa pamamalakad nito, nawalan sila ng gana at iitsa-puwera nila ito sa darating na May 14 elections. Makakaharap ni Gonzales ang dating banker at businesswoman na si Angie Domingo-Buan na maaring baguhan sa pulitika subalit maraming karanasan sa pagpatakbo ng banko at sari’t saring negosyo.

At dahil sa women‘s fad ngayon, umaasa si Domingo-Buan na susuportahan siya ng umaabot na 60 porsiyentong babaeng botante ng siyudad. May ilang kamag-anakan ako diyan sa Mandaluyong City na nagsasabing hindi totoong lamang itong grupo nina Abalos at Gonzales ayon sa survey na naglalabasan. Lumalakas umano itong kampo nina dating Vice Mayor Bibot Domingo at Buan habang palapit ang halalan. Sa panig naman ni "ghost congressman", baka hindi na umano nito makita ang kanyang pangalan sa mga balotang bubuksan.

ANGIE DOMINGO-BUAN

BARANGAY ADDITION HILLS

BOYET

GALINO

GONZALES

GONZALES JR.

KONGRESO

MANDALUYONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with