^

PSN Opinyon

Hindi utak pulbura si Dong Puno

-
Sana nga’y tapos na ang pinakamatinding krisis na sumaklot sa Arroyo administration.

Matapos ma-disperse nang tuluyan ang madugong pro-Erap rally sa Malacañang gayundin ang kanilang halos sanlinggong rally sa EDSA Shrine, nagdeklara ng state of rebellion si Presidente Arroyo. Nagpalabas ng "warrantless arrest" laban sa ilang sinasabing utak ng rebelyon. Sabit sina Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Gringo Honasan, Ping Lacson at Ernesto Maceda. Tagilid ding arestuhin si Sen. Miriam Santiago na nagbanta pang gagamitan ng baril ang sino mang aaresto sa kanya.

Biglang pumayapa ang sitwasyon sa kabila ng pagkuwestyon ng oposiyon sa legalidad ng state of rebellion na idineklara ng Presidente. Dumalaw na rin ang Presidente sa piitan ni dating Presidente Erap sa Fort Sto. Domingo sa Laguna. Nagdaupang palad na ang dalawa. Tinawag nang Madam President ni Estrada si Arroyo. Tapos na nga ba ang gulo? Much remains to be seen and proven. Wait and see lang tayo mga amigo.

Meanwhile, analisahin natin ang nangyaring seige o pananalakay ng mga pro-Erap sa Malacañang. Madugo. May mga pulis at rallyist na malubhang nasaktan at ang ilan ay namatay.

Nanunog pa ng mga sasakyan ang mga rallyists na bangag sa droga at ninakaw ang mga equipment ng mga TV crew ng Channel 2 na kumo-cover sa Mendiola seige.

Watak-watak umano ang pananaw ng mga kasapi ng Puwersa ng Masa kung papayagang sumalakay sa Malacañang ang mga rallyists o hindi. At isa sa mga nagpairal ng kahinahunan ay ang PNM senatoriable at dati nating kabaro sa media na si Dong Puno.

Kung nakisama si Dong sa mga nanawagang "lusubin ang Malacañang" marahil ay kasama na siya sa mga nasa talaan ng aarestuhin.

Dapat ay hindi na humantong sa madugong sagupaan ng mga rallyists, militar at pulisya ang rally ng mga pro-Erap sa Malacañang kung nasunod ang payo ni Dong.

Tinangkang payapain ni Dong ang nagpupuyos na ngitngit ng kanyang mga kasamahan. Mahinahon si Dong tulad din ng kasama niyang senatoriable na si Edong Angara but to no avail.

Ako’y nakikinig sa talumpati ng mga PNM bets sa EDSA na ang iba’y talagang nanawagan sa mga rallyists na lusubin na at palibutan ang Malacañang. Nai-tape ng kampo ni GMA ang mga talumpating ito kaya may bala ang administrasyon laban sa kanila.

Kaya pinapupurihan ko si Dong at Edong sa hinahong pinairal nila.

Mahalagang aral ang napulot ng bansa. Na ang karahasan ay walang mabuting kahihinatnan. Huwag na sanang maulit ito. Amen.

DONG PUNO

EDONG ANGARA

ERAP

ERNESTO MACEDA

FORT STO

GRINGO HONASAN

JUAN PONCE ENRILE

MADAM PRESIDENT

MALACA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with