^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dapat nang matuto ang mga mahihirap

-
Sa madugong dispersal sa Mendiola noong Martes, isang aral ang dapat matutuhan ng mga mahihirap na tagasunod ni dating President Estrada. Dapat na nilang imulat ang mga mata na ginagamit lamang sila ng mga pulitikong may pansariling ambisyon. Maliwanag ang katotohanang "ibinala" sila sa tangke ng mga pulitikong sakim sa kapangyarihan upang simulan ang rebelyon. Dahil sa madugong dispersal, anim ang namatay at maraming nasugatan. Idineklara ni President Gloria Macapagal-Arroyo na nasa state of rebellion ang bansa. Maraming Estrada supporters ang hinuli at ngayo’y nakakulong. Ang tanong, patuloy pa kayang kasama ng mga mahihirap ang mga nag-udyok sa kanila? Nasaan na ngayon ang mga gumatong sa kanila?

Naging kawawa ang mga mahihirap na ginamit sa umano’y "EDSA 3". Pinaikot lamang sila ng mga pulitikong tatakbo ngayong May 14 elections. Ginamit ang EDSA shrine upang buhusan ng gasolina ang damdamin ng mga mahihirap, sinindihan at sumiklab noong Martes ng madaling araw. Labing-isa katao ang pinaghihinalaang nasa likod ng paglusob sa Malacañang. Inaresto na at nakakulong si Sen. Juan Ponce Enrile sa kasong sedition. Inaresto naman kahapon si dating Amb. Ernesto Maceda at nakatakda na rin umanong arestuhin si Sen. Miriam Defensor Santiago. Hinahanap na ng mga awtoridad si Sen. Gregorio Honasan, dating Philippine National Police Chief Panfilo Lacson, Brig. Gen. Jake Malajacan, Senior Supts. Michael Ray Aquino at Cesar Mancao, Ronald Lumbao at Cesar Tañega. Kakatwa namang hindi isinama ng Department of Justice si JV Ejercito, gayong ito’y "gumatong" din umano at nag-utos sa mga Estrada supporters.

Madugong rebelyon ng mga mahihirap ang nangyari sa Mendiola. Para silang mga robot na hinarap ang mga batalyon ng sundalo at pulis. Hindi sila natakot sa mga warning shots na animo’y manhid na ang isipan. Nang hindi umubra ang lakas sa mga pulis, parang mga dagang nagtakbuhan at binalingang sunugin at sirain ang mga pribadong sasakyan at mga ilaw sa kalye. Kakatwang may sinusunod silang plano. Gayunman, nang mapawi ang usok at maaresto na ang mga mahihirap, naghuhugas-kamay na ang mga pulitikong lider nila. Hindi raw sila ang nag-udyok para magsagawa ng kudeta o mag-alsa ang mga mahihirap. Nagtuturuan na sila pagkaraang paglaruan ang mga mahihirap. Naiwan na naman sa kangkungan ang mga mahihirap na noon pa’y ginagamit na sa pansariling kapakanan. Matuto na sana ang mga mahihirap na huwag magpagamit sa mga pulitikong matakaw sa kapangyarihan.

CESAR MANCAO

CESAR TA

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERNESTO MACEDA

GREGORIO HONASAN

MAHIHIRAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with