Sana'y maraming pulitiko ang sumunod sa yapak ni Sonny Belmonte
April 29, 2001 | 12:00am
Kapuna-puna na sa mga key players ng EDSA People Power 2, si Speaker Sonny Belmonte lamang ang pursigidong nagtataguyod ng isinisigaw ng mga rally leaders noong Enero na bagong pulitika sa darating na May 14 elections. Kasi nga kahit anong hatak pa ng kanyang kalaban para si Belmonte ay bumaba at bumalik sa dating gawi ng pulitika na personalan, guns, goons and gold at iba pang lumang pamamaraan, hindi niya ito pinatulan. Ang ginawa lamang ni Belmonte ay kusang pag-ibayuhin ang pagparating sa mga botante ng kanyang mga programa kapag siyay nanalo bilang mayor ng Quezon City. At sa tingin ko nasa tamang direksiyon itong si Sonny B.
Pero kung pagmamasdan naman ninyo sa ibang bahagi ng Metro Manila, madismaya kayo sa mga palitan ng maaanghang na salita ng mga magkatunggali sa mga local na puwesto at ang nakakalungkot mga key players din ng EDSA 2 ang ilan sa mga ito.
Isa sa halimbawa ay itong kampo ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, isa sa mga promising leaders ng bansa sa ngayon. Hindi maganda para sa imahe ni Abalos ang ginawang pambubugbog ng kanyang private army sa dalawang bata na pumapaskil ng mga posters sa isang barangay kamakailan. Sigaw nang sigaw si Abalos sa EDSA 2 ng pagbabago sa pulitika, eh ano itong ginagawa ng private army niya na pinamumunuan ni SPO1 Felipe Lim Jr., hepe ng anti-vice Task Force?
Hindi bat itong grupo rin ni Lim ang itinuturo na bumabaklas ng mga campaign materials ng mahigpit na karibal ni Abalos na si dating Vice Mayor Ernesto Bibot Domingo. Di ba lumang pamamaraan sa pulitika yan? Pero habang abala itong si Lim sa mga dirty tricks ng kampo ni Abalos, nakalimutan na ata niya ang kanyang trabaho laban sa mga illegal na pasugalan dahil patuloy na namamayagpag sina Diday, Ely Kambingan at Buddy sa siyudad ni Abalos. Si Buddy kasi ang pinakamalaking kabo ni Metro Manila jai-alai bookies king Al Adriano ng Makati City sa Mandaluyong City.
At ang nakapagtataka, kung itong si Lim ay pumapatol sa sugal-lupa tulad ng tong-its, mahjong at cara y cruz, bakit itong mga malalaking sugal ay hindi niya pinapansin? Magkano ba ang buwanan mo kina Diday, Ely Kambingan at Buddy, ha SPO1 Lim? Tanong lang.
Kapag patuloy pa itong pananalasa ng private army ni Abalos laban sa kampo ni Domingo, ibig sabihin nito nakalimutan niya sa isang iglap ang mga isinisigaw niya noong EDSA 2, di ba mga suki? Kasi nga kung ano ang nakikita ng mga kabataan sa ating leaders ngayon, yon din ang gagawin kapag silay pumasok na sa pulitika. Kasi itong mga kabataan ngayon ay aktibo at sumasali na sa paghubog ng kanilang kinabukasan. Aalmang muli sila subalit kapag dumami ang pulitikong sumunod sa yapak ni Belmonte, maaaring makukumbinsi pa sila na may pagbabago pang mangyayari sa ating bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am